Ebanghelyo: Mateo 25:1-13
Tinutukoy ng kuwentong ito ang mangyayari sa kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang luma bas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal ang lima sa kanila, at matalino naman ang lima pa. Dinala ng mga hangal na abay ang kanilang mga lampara nang walang reserbang langis. Ngunit dinala naman ng matatalino ang kanilang mga lampara na may reserbang langis. Natagalan ang nobyo kaya inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na, may tumawag: ‘Dumarating na ang nobyo; lumabas kayo at salubungin siya!’ Nagising silang lahat noon at inihanda ang kanilang mga lampara. Sinabi ng mga hangal sa matatalino: ‘Bigyan naman ninyo kami ng inyong langis dahil mahina na ang ningas ng aming mga lampara.’ Sumagot ang matata lino: ‘Baka kulangin ang langis para sa amin at para sa inyo. Mabuti pang pumunta kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyo.’ Nakaalis na sila para bumili nang dumating ang nobyo; ang mga handa na ay sumama sa nobyo sa kasa lan, at isinara ang pinto. Pagkatapos ay saka dumating ang iba pang mga dalaga at tumawag: ‘Panginoon, Pa nginoon, pagbuksan kami!’ Ngunit sumagot siya: ‘Tala gang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo kilala.’ Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras.’
Pagninilay
Walang halaga ang paghihintay kung walang sapat na paghahanda. Sa talinhaga, alerto ang mga babaeng naghahantay sa kakasalin. Pagka rinig nila na darating siya, tumindig sila upang salubungin at samahan siya sa kasal. Ngunit dahil hindi lubos na naghanda sa pagdadala ng langis ang ibang babae, sila ay naiwan at hindi na nakapasok sa kasalan. Naging walang halaga ang kanilang paghihintay. Ganito rin ang ating aabutin kung hindi tayo maghahanda sa pagdating ng Panginoon. Sa buhay pananampalataya, nararapat na maging handa sa bawat araw. Gaya ng isang magnanakaw, hindi natin batid ang panahon nang pagdating ng Panginoon. Mahalaga ang paghahanda sa pamamagitan nang pagsusumikap na maa bot ang mga mabubuting hiyas at pagsasabuhay nito. Ang mga mabubuting hiyas at mga magagandang gawa ang langis sa pagdalo sa kasal kung saan tayo dadalhin ng kakasalin, si Jesus, patungo sa hapag upang matamo ang kabutihan ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023