Pangatlo sa apat na anak ang batang nasa pinakakanan. Pinakamatanda ang nasa kaliwa. Mga anak sila ni Primo, “kaabag” (lay minister) dito sa Mosum. Isa sa pinakaliblib na kapilya namin. Bago magpasko iluluwal ng nanay niya ang panglimang anak.
Pagpunta ko sa Mosum nung Martes, nasalubong ko ang apat na magkakapatid sa daan, papasok ng paaralan. Simpleng plastic ang kanyang school bag. Siguro mas praktikal, para di mabasa sa ulan ang pilas-pilas na notebook at maikling lapis.
Putikan ang damit nila kasi maputik ang daan dahil kakaulan lang. May limang kilometro ang layo nila sa paaralan. Binabaybay araw-araw ang ilog, sapa at matatarik na bahagi ng bundok. Dahil bata at mapaglaro, mga alas nuwebe na sila makakarating sa eskwela.
Putikan ang damit nila kasi maputik ang daan dahil kakaulan lang. May limang kilometro ang layo nila sa paaralan. Binabaybay araw araw ang ilog, sapa at matatarik na bahagi ng bundok. Dahil bata at mapaglaro, mga alas nuwebe na sila makakarating sa eskwela.
Pag uulan, at dahil walang masilungan, tyak basa sila papasok ng eskwela. Maulanan…mainitan…ayos lang. Sanayan lang yan. Pero di hamak na di nawawalan sipon mga batang to.
Sa hapon, limang kilometro ulit ang lalakarin para umuwi. Madalas late na sa hapon nakakarating ng bahay kung di man madilim na. Mapanganib ang kasukalan…pero nasanay na ata maghintay nanay at tatay nila. Araw araw.
Yun nga lang, pag malakas ang ulan, ang hirap tawirin ng ilog. Baha kasi. Madaling araw hinahanda na ng nanay nila baon nila. Walang de lata dito. Di uso yun. Gulay at tuyo..ayos na. Minsan saging na saba.
Natawa ako sa ate nya. Kasi ang pinakamahalagang gamit sa bag nya, yung kanyang suklay. Lumang suklay. Kung sa kabataan sa mga siyudad, cellphone ang kanilang buhay, suklay naman ang sa kanya. Lumang suklay.
Di rin uso sa kanila na suot ang tsinelas pagtumatawid sa mga bundok. Nakaapak lang sila. Ang tsinelas nasa loob ng bag, kasi baka mapigtas. Sa eskwela na lang isusuot. Mahal kasi ang bilihin. Mahal ang tsinelas.
Nung Martes ding yaon, bandang tanghali, pumunta ng barangay clinic ang kanilang nanay. Asawa ni Primo na lay minister namin. Nasa kanyang ikawalong buwan sa pagbubuntis, lalakad ng 10 kilometro balikan, para magpa check up. Sya lang mag-isa pumunta kasi nauna na mga bata. Si Primo naman kailangan ihanda ang ipapagiling na mais sa bahay para may kainin sila. Astig di ba?
Di uso dito ang buntis na maarte. Dito ang buntis kailangan maglakad ng malayo, magsuga ng kalabaw, magtrabaho sa bahay at sa bukid. Parang wala lang, di ba?
Halos ganito ikot ng buhay nila araw araw… Maliban sa Linggo. Kasi nga Lay Minister si Primo, buong pamilya nya nasa kapilya. Sya din ang napapakomunyon sa mga tao at nagbibigay konting homilya tuwing magdadasal sila kasama ng iba pang pamilya sa Mosum.
Maliit na pamayanan lang ang tinutukoy ko. Siguro mga 20 na pamilya. Magkakalayo ang distansya ng bawat bahay. Siyanga pala, ilan sa kanila pag magkakasakit, di na umaabot ng klinika o ospital. Dun na lang mamamatay. Kadalasan, malaria.
Walang kuryente sa Mosum. De baterya ang kanilang transistor radio. Di nila alam ang laptop, facebook, ipod, iphone. Pero syempre, hehe..kilala si Manny Pacquiao.
Walang mga poster ng artista sa dingding nila. Pero meron mga poster ng mga politiko namin. Siguro nakarating doon ang nagbigay ng mga yun nung nakaraang eleksyon. Ang popogi ng mga politiko namin sa posters nila. Ang gagara, kaso di pa sila nakakarating ng Mosum. Pero at least, may silbi yung poster. Pangdepensa sa malamig na hangin sa gabi at para di makapasok lamok na may malaria dahil nakatapal ito sa butas ng dingding. May purpose di ba? Mabuhay kayo!