Ebanghelyo: Marcos 9:41-50
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “At kung may magpainom sa inyo ng malamig na tubig alang-alang sa aking pangalan dahil kay Kristo kayo, talagang sinasabi ko sa inyo na hindi siya mananatiling walang gantimpala.
“Ngunit kung may tumisod at magpadapa sa isa sa maliliit na ito na nananalig, mas makabubuti pa para sa kanya na itapon siya sa dagat na may taling malaking bato sa kanyang leeg.
“Kung ang kamay mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok na pingkaw sa buhay kaysa matapon sa walang hanggang apoy ng impiyerno na may dalawang kamay. At kung ang paa mo ang nagtutulak sa iyo sa kasalanan, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok na pilay sa buhay kaysa matapon sa impiyerno na may dalawang paa.

“Mabuti ang asin ngunit kung tumabang ang asin, paano ninyo ito mapaaalat ulit? Magkaroon kayo ng asin sa inyong sarili at mabuhay sa kapayapaan sa isa’t isa.”
Pagninilay
Ang mga salita o imaheng gi-na mit ni Jesus sa Ebanghelyo ngayon ay nakakatakot. Nais ni Jesus na maunawaan ng kanyang mga alagad na ang mga pinipili nila araw-araw sa kanilang buhay ay tutukoy ng kanilang hinaharap. Ang kanilang mga pagpipilian ay makaka apekto sa kanilang kaligaya-han at kapayapaan sa mundong ito, at matutukoy ng kanilang mga pag-pipilian kung ano ang mangyayari pagkamatay nila.
Ngayon ay isang magandang araw para huminto tayo at pag-nilayan ang mga pinipili nating gawin o hindi gawin sa ating buhay. Ang aking mga pagpipilian ba ay para lamang sa ikabubuti ko o nag-aalala ba ako sa ibang tao at sa aking mundo? Ang aking mga pinipili ay may epekto sa buhay ko at ang mga mahal ko sa buhay. Natutukoy ng aking mga pagpipilian ang aking ka payapaan, aking kaligayahan, at, sa isang antas, ang aking pisikal at emosyonal na kalusugan. Sa kabila ng pagkaalam nito, hindi ko madalas iniisip ang mga pagpipilian na gina-gawa ko araw-araw.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022