Ebanghelyo: Marcos 9:38-40
Sinabi naman ni Juan kay Jesus: “Guro, may nakita kaming di natin kasama na nagpapalayas ng mga demonyo sa bisa ng inyong pangalan. Ngunit pinigil naming siya dahil hindi natin siya kasama.” At sinabi ni Jesus: “Huwag ninyong siyang pigilan. Wala ngang gumagawa ng himala sa bias ng aking pangalan na agad na magsasalita laban sa akin. Ang hindi laban sa atin ay kampi sa atin.”
Pagninilay
Nagbibigay sa atin si Jesus ng isang mahalagang tagubilin sa maiksing Ebanghelyo ngayon. Sinasabi niya sa atin na ang sinumang hindi laban sa atin ay para sa atin. Kadalasan alam natin kung sino ang mga taong sumusuporta sa atin. Gayunpaman, alam din natin kung sinong mga tao ang maaaring ayaw sa atin at hindi tayo pinapansin. Minsan nga, pinapahintulutan natin sila na gambalain ang ating pan-loob na kapayapaan. Hindi natin mai wasan na pansinin kung ano ang mga pagtingin sa atin ng ibang tao. Minsan, maganda naman at nakakapagbigay ito ng lakas ng loob. Minsan din, nakakasira ito sa ating disposisyon. Gayunpaman, nais ni Jesus na ang kanyang mga alagad ay maging tunay na malaya. Hindi niya nais na magselos sila sa iba o magnasa ng mga kakayahan at regalo ng iba.
Malinaw na nais ni Jesus na pa-halagahan ng kanyang mga alagad ang kanilang sariling mga kakaya-han, pati na rin ang kakayahan ng iba. Ang buhay ay hindi isang kum-petisyon. Kung napapansin mong inihahambing mo ang iyong sarili sa iba, huminto ka! Lahat tayo ay biniyayaan ng Diyos ng kanya-kanyang kakayahan. Matuto tayong mag bunyi sa mga kaloob ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022