Ebanghelyo: Marcos 8:11-13
Dumating ang mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo kay Jesus. Gusto nilang subukan siya at humingi ng isang makalangit na tanda. Nagbuntunghininga siya at sinabi: “Bakit humihingi ng palatandaan
ang lahing ito? Talagang sinasabi ko sa inyo: walang tandang ibibigay sa lahing ito.” Kaya iniwan sila ni Jesus at sumakay sa bangka patawid sa kabilang ibayo.
Pagninilay
Ilang mga palatandaan ang kailangan natin upang maniwala? Si Jesus ay nagpakain ng 4000 katao mula sa isang maliit na tinapay at isda. Ang pipi at ang bingi, ang bulag at ang mga lumpo, ang mga ketongin at ang paralitiko ay isinigaw sa mundo na sila ay gumaling. Marami pang nakatagpo sa pamamagitan ng kanyang mga salita ng isang kakaibang buhay at ang mukha ng isang mapagmahal na Diyos, ang ating Ama. Sa katunayan, ang kanyang mga salita at pagkilos ay nagdala ng isang bagong kahulugan sa buhay. Gaano karaming mga tanda ang kailangan nating upang maniwala na ang Diyos ay naroroon sa ating buhay? Habang nagsisimula tayo ng isang bagong linggo sa ating buhay, subukan nating tandaan, sa sandaling ito ng panalangin, ang maraming mga palatandaan na ipinahahayag ng Diyos ang kanyang walang hanggang mapagmahal na awa sa atin. At manalangin tayo, “Panginoon, palakasin mo ang aking pananampalataya sa iyo araw araw. Amen.”
© Copyright Pang Araw-Araw 2020