Ebanghelyo: Lucas 12:8-12
Sinasabi ko sa inyo: sinumang ku mi lala sa akin sa harap ng mga tao ay kiki lalanin din ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. At ang ayaw ku milala sa akin sa harap ng mga tao’y hin di rin kikilalanin sa harap ng mga anghel ng Diyos. Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang sinumang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapapatawad. Dalhin man nila kayo sa harap ng mga sinagoga at mga namu muno at mga may kapang ya rihan, huwag kayong mabalisa kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. Sa pagkat ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon ng dapat na sabihin.”
Pagninilay
Ang paninindigan sa katotohanan ay tanda ng pagkapuno sa Espiritu Santo. Ang taong nagsasabi nang totoo ay hindi dapat matakot. Sa kabila ng mga balakid, katulad ng mga alagad ni Jesus, siya ay nagpapatuloy sa kanilang pagpapahayag. Siya ay nananalig sa gabay at tulong nang Espiritu Santo. Sa panahon ngayon, dumarami na ang mga nagiging kasalanan laban sa Espiritu Santo. Maraming mga fake news ang isinisiwalat upang sirain ang iba at baguhin ang kasaysayan dahil sa kasakiman at personal na paghahangand. Maraming mga tao ang nagkakahiwahiwalay dahil sa mga ganitong uri ng panlilinlang. Isa itong malaking hamon sa ating mga binyagang tinatakan sa biyaya nang Espiritu Santo at pinagtibay sa sakramento ng kumpil sa pagtindig at pananatili sa katotohanan. Nakakaawa ang kalagayan natin kung tayo’y nakatanggap nang ganitong biyaya ngunit hindi tayo nananatiling tapat sa katotohanan. Sa paninindigan sa katotohanan, maiwaksi nawa ang mga panlilinlang na mula sa kasamaan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023