Ebanghelyo: Lucas 12:1-7
Nang magkatipon ang libu-libong tao hanggang magkatapakan na sila, sinimulang sabihin ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat muna kayo sa lebadura ng mga Pariseo, na walang iba kundi ang pag ku kunwari. Walang tinatakpan na di mabu bun yag, walang natatago na di malalaman. Kaya naman, ang sinabi ninyo sa dilim, sa liwanag maririnig; at ang ibi nulong ninyo sa mga kuwarto, sa bu bu ngan ipahahayag. Sinasabi ko naman ito sa inyo na mga kaibigan ko: huwag ninyong kata kutan ang mga nakapapatay sa katawan at wala nang magagawa pa. Ituturo ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: matakot kayo sa may kapangyarihang pumatay at may ka pangyarihan pang mag bulid sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, ito ang kata kutan ninyo. Di ba’t ipinag bibili nang dala wang pera ang limang maya? Subalit isa man sa kanila’y di nalilimutan ng Diyos. Bilang na pati ang lahat ng buhok sa inyong ulo. Huwag ka yong matakot; mas maha laga pa kayo kaysa maraming maya.
Pagninilay
Ang mga bilanggo ay hindi lamang makikita sa mga kulungan. Marami rin ang naglalakad-lakad sa labas na bilanggo nang pagkukunwari. Ang pagkukunwari ay ang pananatili sa hindi tunay na sarili. Ito ay ang pagsusuot ng maskara upang ikubli ang katotohanan. Gayunpaman, ang Panginoon ay nagtuturo sa atin na ang katotohanan ang makapagbibigay kaligtasan. Ang pananatili sa katotohanan ay nangangailan nang pagpapakumbaba upang ating matanggap at maangkin ang kabutihan at hindi makabubuti sa atin. Ang pag-angkin at pagtanggap sa katotohanan, kalakip nang ating mga kabiguan, ay ang simula tungo sa pagbabago. Hindi natin mababago ang mga dapat baguhin sa ating sarili kung hindi natin ito tutukuyin. Walang silbi ang pagtanggi sa katotohanan sapagkat alam ng Panginoon kung gaano karami ang buhok ng ating mga ulo. Nalalaman nang Panginoon ang laman ng ating mga puso at hinahangad ng ating mga isipan. Tanggapin natin ang katotohanan upang kumilos ang Pa nginoon sa ating buhay at mabigyan tayo ng kaligtasang nagmumula lamang sa Kanya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023