Ebanghelyo: Lucas 11: 47-54
Sawimpalad kayong nagtatayo ng mga puntod sa mga prope tang pinatay ng inyong mga ama. Sa gayon ninyo inaamin at sinasang-ayunan ang mga ginawa ng inyong mga ama; iniligpit nila ang mga propeta, at maka pagta tayo na kayo ngayon. (Sinabi rin ng Karunungan ng Diyos:) Nagsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol ngunit uusigin nila at papatayin ang ilan sa ka nila. Ka yat papapanagutin ang salinlahing ito sa dugo ng lahat ng propeta, sa dugong na buhos mula pa sa pagka tatag ng mundo, mula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na nasawi sa pagitan ng altar at ng san tuwaryo. Oo, sinasabi ko sa inyo, pa pa pa nagutin ang salinlahing ito. Sawimpalad kayong mga guro ng Batas na umagaw sa susi ng kaalaman. Hindi na kayo pumasok at hinadlangan pa ninyo ang mga ma kapapasok.” Pagkatapos ay umalis si Jesus at sinimulan naman ng mga guro ng Batas at mga Pariseo na mahigpit na maki pagtalo sa kanya. Pinapagsa lita nila siya tungkol sa maraming bagay at pilit na sinisilo sa anumang sinasabi niya.
Pagninilay
Kung mayroong namatay, madalas nating naririnig ang mga magagandang bagay na binabanggit ng mga tao tungkol sa namatay. Pero ang tanong, naririnig ba ito ng taong namatay noong buhay pa siya? Nabigyan ba sila nang sapat na halaga noong buhay pa sila? Isa itong katotohanan tungkol sa buhay ng tao. Kahit sa panahon ni Jesus, ganito rin ang nangyari. Pinaparangalan ang mga propeta matapos na sila’y mamatay ngunit habang buhay pa sila’y naranasan nilang talikuran at patayin pa nga. Bawat buhay ng tao’y mahalaga sapagkat ito’y biyaya nang Diyos. Samakatuwid, dapat bigyan ng sapat na halaga ang bawat isa sa ating pamilya at pamayanan. Ang bawat tao’y dapat pakinggan at hangaan. Ang mga propeta ay tinalikdan at pinatay. Pero ang kanilang mensahe’y nananatili dahil ito’y nagmumula sa Panginoong nagsugo sa kanila. Sa ngayon, marami pa ring mga propeta. Kung tutuusin, ang bawat isa sa ati’y mayroong dalang mensahe. Maging ang mga dukha sa lansangan ay nagpapaalala sa katotohanan na ang pagkamakasarili at kasakiman ay nag bubunga sa paghihirap ng iba.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023