Ebanghelyo: Lucas 10:1-9
Pagkatapos nito, humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu’t dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat ba yan at lugar na takda niyang pun tahan. Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga mang gagawa; idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani. Lumakad na kayo. Isinusugo ko ka yong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag ninyong ba tiin ang sinuman sa daan. Saanmang bahay kayo pumasok, sa bihin muna ninyo: ‘Mapasatahanang ito ang kapayapaan!’ Kung mapaya pang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan. Kung hindi’y mag babalik sa inyo ang inyong dasal. At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at umi nom na kasalo nila sapag kat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapapalit-palit ng bahay. Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anu mang ihain sa inyo. Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: ‘Palapit na sa inyo ang kaha rian ng Diyos.’
Pagninilay
“Travel light” o paglalakbay ng konti lamang ang dala-dala upang maging magaan at madali ang pakikipagsapalaran. Ganito ang itinuturo ni Jesus sa pitompu’t dalawang mga alagad upang magpahayag ng Mabuting Balita. Hindi sila mahihirapan sa kanilang paglalakbay dahil wala silang ibang dala maliban sa pagtitiwala, kapayapaan, at mapagpalang kapangyarihan ng Panginoong kanilang ibinabahagi sa sangkatauhan. Isa itong paalala para sa mga katiwala sa ubasan nang Panginoon, sa mga nanu nungkulan sa misyon sa Simbahang, na patuloy na nananalig sa Panginoon at hindi nangangamba sa mga bagay na makamundo at batid nila na ang Diyos ang kanilang san digan. Sa mga mapagbigay na tumatanggap sa Mabuting Balita, nananalaytay ang tulong ng Panginoon sa kanila. Kung hindi mag-iisip sa mga bagay na para sa sarili, mas magiging epektibo ang pagpa pahayag dahil kanyang maihahandog ang buong sarili sa misyon. Ang bawat katiwala sa ubasan ng Diyos ay su suklian nang kapayapaan, mapagpalang kapangyarihan, at tiwala sa tulong ng Diyos na mabuti at mahabagin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023