Ebanghelyo: Lucas 11:29-32
Nang dumadagsa na ang mga tao, nag simulang magsalita si Jesus: “Masamang lahi ang lahing ito; humi hi ngi ito ng palatandaan pero walang ibang palatandaang ibibigay rito kundi ang palatandaan ni Jonas. At kung paanong naging palatandaan si Jonas para sa mga taga-Ninive, gayundin naman ang Anak ng Tao para sa mga tao sa kasalukuyan. Sa paghuhukom, ba bangon ang Reyna ng Timog kasama ng mga lalaki ng la hing ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating siya mula sa kabilang dulo ng mundo para masak sihan ang karunu ngan ni Solomon at dito’y may mas dakila pa kay Solomon. Sa paghuhukom, babangon ang mga lalaking taga-Ninive kasama ng salinla hing ito at hahatulan nila ito dahil nagbalik-loob sila sa panga ngaral ni Jonas; at dito’y may mas dakila pa kay Jonas.
Pagninilay
Gusto talagang makakita ng mga tao nang mga pambihira at kamangha-manghang mga pangyayari. Kaya naman maraming tao ang parating umaaligid kay Jesus. Hinihintay nila ang Kanyang mga kahanga-hangang gawa. Sinabi ni Jesus na wala nang ibang tanda ang ibibigay sa kanila maliban kay Jonas. Nagpahayag si Jonas sa mensahe nang pagsisisi doon sa Nineveh at ang mga tao’y nagsisi. Tulad nang pananatili ni Jonas sa loob ng tiyan ng malaking isda nang tatlong araw, si Jesus din ay nakaranas ng kamatayan sa loob ng tatlong araw. Ito’y upang tubusin ang mga kasalanan ng sangkatauhan. Sa panahon ngayon, maraming nais matamo ang presensya ng Panginoon. Marami ang naghahanap sa himala ng Diyos. Gayunpaman, hindi na natin kailangang mag hanap pa nang mga himala. Si Jesus mismo ay nagwika, “kung anong inyong ga gawin para sa higit na api, ginagawa ninyo ito para sa Akin.” Si Jesus ay nagpakatao upang magbigay ng pag-asa sa mga nahihirapan, at paalalahanan ang mga nakaaangat at makapangyarihang huwag kalimutan ang mga mahihirap sapagkat nasa kanila si Jesus.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023