Ebanghelyo: Mateo 22:1-14
Muling nagsalita si Jesus sa pamamagitan ng mga talinhaga: “Tungkol sa nangyayari sa kaha rian ng Langit ang kuwentong ito: May isang haring nag handa sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Ipinatawag niya sa mga katulong ang mga imbi tado sa kasalan ngunit ayaw nilang dumalo. Muli niyang pinapunta ang iba pang mga katulong para sabihin sa mga inanyayahan sa kasalan: ‘Nag handa ako ng pagkain, nagpatay ng mga toro at mga pinatabang hayop; handa na ang lahat kaya pumarito na kayo sa kasalan.’ Ngunit hindi nila pinansin ang paanyaya, sa halip ay may pu munta sa kanyang taniman, at sa kanyang negos yo naman ang isa pa. Sinung gaban naman ng iba pa ang mga katulong ng hari, nilibak at pinatay. Lubhang nagalit ang hari kayat ipi na dala niya ang kanyang hukbo para puksain ang mga mamamatay-tao at sunugin
IKA-28 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON Salteryo: Linggo 4 / (Luntian) Salmo 23:1-3a, 3b-4, 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.
Ang pagdalo sa kasalan ay isang prebilehiyo. Ang mga dumadalo’y pinipili bilang kaibigan, kamaganak, o espesyal para sa umaanyaya sa kanila. Kaya naman kailangang paghandaan ang pagdalo sa kasalan. Inihahanda ang damit na nararapat sa ganitong okasyon upang maging karapat-dapat at hindi kakaiba sa ibang imbitado. Maraming mga pagkakataong inihalintulad ni Jesus ang Kaharian ng Diyos sa kasalan kung saan handa na ang lahat ng mga kinatay na pinatabang baka at mga hayop. Pero marami pa rin ang tumatanggi sa pagdalo sa kasalan. Sa isang interview ng pari sa isang magulang na magpapabinyag sa kanyang anak, alam ng pari na hindi talaga sila pala-simba kahit sa araw ng Linggo. Nagtanong ang pari kung bakit hindi sila sumisimba. Sumagot ang ama, “Busy po kasi Father…” Nagsalita ang pari at sinabing, “Ilang oras meron sa isang araw? At ilang araw meron sa isang lingo? Ilang oras din ang hinihingi nang Panginoon sa araw ng Linggo?” Tumahimik ang ama ng batang magpapabinyag at sinabing, “isang oras po, Father.” Nagsalita ang pari, “Ano kaya, maibibigay mo? Paano mo susundin ang iyong pangako sa binyag ng iyong anak kung hindi rin kayo dadalo sa hapag nang Salita at Eukaristiya?” Tayong lahat na kumikilala, tumatanggap, at naniniwala kay Jesus ay patuloy na inaanyayahan sa kanyang kasalan upang mabusog sa Kanyang mga Salita at biyayang kaloob ng mga sakramento. Sa pamamagitan nito, lalakas ang ating buhay espiritwal at lalago sa ating pananampalataya. Pero kailangan nating paghandaan ang pagdalo sa kasalan. Magbihis nang naaangkop, lalo na sa pagpapakumbaba, upang makilala ang umaanyaya sa atin at maging karapat-dapat makibahagi sa mga biyayang kanyang inihahanda.
“Ipinatawag niya sa mga katulong ang mga imbitado sa kasalan ngunit ayaw nilang dumalo.”
ang lunsod. At sinabi niya sa kanyang mga katulong: ‘Handa na ang kasalan ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Pumunta kayo nga yon sa dulo ng lunsod at anya yahan sa kasalan ang bawat ma kita ninyo.’ Kaya agad na lumabas sa mga daan ang mga katulong at tinipon ang lahat ng makita, masama at mabuti, at napuno ang kasalan ng mga nasa hapag. Pagkatapos ay dumating ang hari para tingnan kung sino ang mga nasa hapag at napansin niya ang isang lala king hindi nakadamit-pampi yesta. Kaya sinabi niya sa kanya: ‘Kai bigan, paano ka nakapasok nang walang damit pangkasal?’ Ngunit hindi umimik ang tao. Kaya sinabi ng hari sa kanyang mga katulong: ‘Igapos ang kanyang mga kamay at paa, at itapon sa dilim, kung saan may iyakan at pagngangalit ng mga ngipin.’ Marami ngang talaga ang tinawag pero kaunti ang pinili.”
Pagninilay
Ang pagdalo sa kasalan ay isang prebilehiyo. Ang mga dumadalo’y pinipili bilang kaibigan, kamaganak, o espesyal para sa umaanyaya sa kanila. Kaya naman kailangang paghandaan ang pagdalo sa kasalan. Inihahanda ang damit na nararapat sa ganitong okasyon upang maging karapat-dapat at hindi kakaiba sa ibang imbitado. Maraming mga pagkakataong inihalintulad ni Jesus ang Kaharian ng Diyos sa kasalan kung saan handa na ang lahat ng mga kinatay na pinatabang baka at mga hayop. Pero marami pa rin ang tumatanggi sa pagdalo sa kasalan. Sa isang interview ng pari sa isang magulang na magpapabinyag sa kanyang anak, alam ng pari na hindi talaga sila pala-simba kahit sa araw ng Linggo. Nagtanong ang pari kung bakit hindi sila sumisimba. Sumagot ang ama, “Busy po kasi Father…” Nagsalita ang pari at sinabing, “Ilang oras meron sa isang araw? At ilang araw meron sa isang lingo? Ilang oras din ang hinihingi nang Panginoon sa araw ng Linggo?” Tumahimik ang ama ng batang magpapabinyag at sinabing, “isang oras po, Father.” Nagsalita ang pari, “Ano kaya, maibibigay mo? Paano mo susundin ang iyong pangako sa binyag ng iyong anak kung hindi rin kayo dadalo sa hapag nang Salita at Eukaristiya?” Tayong lahat na kumikilala, tumatanggap, at naniniwala kay Jesus ay patuloy na inaanyayahan sa kanyang kasalan upang mabusog sa Kanyang mga Salita at biyayang kaloob ng mga sakramento. Sa pamamagitan nito, lalakas ang ating buhay espiritwal at lalago sa ating pananampalataya. Pero kailangan nating paghandaan ang pagdalo sa kasalan. Magbihis nang naaangkop, lalo na sa pagpapakumbaba, upang makilala ang umaanyaya sa atin at maging karapat-dapat makibahagi sa mga biyayang kanyang inihahanda.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023