Ebanghelyo: Lucas 11:27-28
Habang nagsasalita pa siya, isang babae mula sa dami ng tao ang malakas na nagsabi sa kanya: “Mapa lad ang nagdala sa iyo sa kanyang sina pupunan at nagpasuso sa iyo.” Ngu nit sumagot si Jesus: “Kaya talagang ma pa lad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumu tupad nito.”
Pagninilay
“Pinagpala ang nakikinig at isinasabuhay ang Salita ng Diyos.” Pinagpalang tunay si Birheng Maria. Sa kabila ng kanyang kabataan at takot, nakinig siya sa mensahe ng anghel mula sa Diyos at kanya itong tinanggap, isinapuso, at isinabuhay. Si Birheng Maria ang nauna sa lahat ng mga alagad sa kanyang pakikinig sa Salita; una sa lahat ng tagapagpahayag ng Mabuting Balita mula sa kanyang pagdalaw kay Isabel at pagbubunyi sa kaligtasang dala ng Diyos sa kasaysayan ng Israel. Pinagpala siya sa lahat ng mga pinagpala sapagkat hinirang siya nang Diyos Ama sa kanyang pagkamasunurin. Pinagpala rin tayong naging anak ni Maria mula sa kanyang busilak na puso. Si Maria ang inang sa tuwina’y nagtuturo sa atin patu ngo sa daan ng kanyang Anak sa banal ng pamumuhay. Kaya magsumamo tayo kay Birheng Maria sa pagdedebosyon upang ang puso nati’y maging katulad niya at si Jesus ay maipanganak sa ating pagsaksi sa Kanyang mga Salita at aral.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023