Ebanghelyo: Lucas 11:15-26
Ngunit sinabi ng ilan sa kanila: “Pinalalayas niya ang mga ito sa tulong ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” Gusto naman ng iba na subukin si Jesus at humi ngi sila sa kanya ng isang tanda galing sa langit. Alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya sinabi niya sa kanila: “Mabu buwag ang bawat kahariang nagka kahatihati at magigiba roon ang mga samba hayan. Ngayon, kung nagkakahati-hati si Sa tanas, paano mag ta tagal ang kanyang kaharian? Di nga ba’t sinasabi ninyo na nagpapalayas ako ng mga de monyo sa tulong ni Beelzebul? Kung sa pamamagitan ni Beelzebul ako nag pa palayas ng mga demonyo, paano na man napalalayas ng inyong mga ka anib ang mga ito? Sila mismo ang nara rapat sumagot sa inyo. Sa daliri ng Diyos ako nagpapa layas ng mga demonyo kaya sumapit na sa inyo ang kaharian ng Diyos. Kung sandatahang binabantayan ni Malakas ang kanyang palasyo, hindi magagam bala ang kanyang mga pag-aari. Pero kung salakayin siya ng mas makapang yarihan sa kanya at talunin siya, maa agaw nito ang kanyang mga armas na kanyang inasahan at ipamamahagi ang kanyang mga ari-arian. Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi nagtitipong kasama ko ay nagpapangalat. Kapag lumabas sa tao ang maruming espiritu, nagpapalabuy-laboy ito sa mga lugar na walang tubig sa paghahanap ng pahingahan. Pero wala siyang natatagpuan at sinasabi niya: ‘Babalik ako sa inalisan kong tirahan.’ Pag dating niya, natatagpuan niya ito na nawalisan na at maayos pa. Kaya nag hahanap siya at nagsasama ng pito pang espiritung mas masama pa kaysa kanya; pu ma pa sok ang mga ito at doon tumitira. Kaya mas masama ang huling kalagayan ng taong iyon kaysa dati.”
Pagninilay
Kung saan ang pagkakaisa, naroon ang Panginoon dahil kalooban nang Diyos na “ang lahat ay magkaisa” (Jn. 17:21). Ang lahat nang pagkakapaghiwa-hiwalay at pag kakapagwatak-watak ay sagisag sa gawain nang demonyo. Ganito ang kailangan nang mga pamilyang Kristiyano at mga pamayanan sa panahong mayroong pagsubok at hidwaan. Kailangan ang madasalin at mapagnilay na pagkilatis sa dahilan ng hamon sa pagkakahiwalay upang hindi magtagumpay ang pagsubok ng demonyo. Ngayong taon ang katapusan sa Synod of Synodality. Isa itong kilos sa pakikinig sa sumasabay na paglalakbay ng Simbahan upang matuklasan at matumbok ang kilos ng Espiritu Santo sa lahat ng kabahagi sa Simbahan, lalo na sa mga lubos na nangangailangan. Sa ganitong pamamaraan, mas magiging matagumpay at walang maiiwan sa sumasabay at iisang paglalakbay ng Simbahan tungo sa kaisahan (communion), pakikilahok (participation), at misyon (mission).
© Copyright Pang Araw-Araw 2023