Ebanghelyo: Lucas 11:5-13
Sinabi rin sa kanila ni Jesus: “Ipalagay nating may kaibigan ang isa sa inyo at pinuntahan mo siya sa ha tinggabi at sinabi: ‘Kaibigan, pahiram nga ng tatlong pirasong tinapay dahil kararating lang mula sa biyahe ng isa kong kaibigan at wala akong maihain sa kanya.’ At sasagutin ka siguro ng nasa loob: ‘Huwag mo na akong gambalain. Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng mga bata; hindi na ako maaaring tumayo para bigyan ka.’ Sinasabi ko sa inyo, kung hindi man siya bumangon para mag bi gay dahil sa pakikipagkaibigan, baba ngon pa rin siya at ibibigay sa iyo ang lahat mong kailangan dahil sa pagpu pumilit sa kanya. Kaya sinasabi ko sa inyo: humingi at kayo’y bibigyan, maghanap at mata tag puan ninyo, kumatok at bu buk san ang pinto para sa inyo. Talaga ngang tumatanggap ang humihingi, nakaka tagpo ang naghahanap at pinag bubuk san ang ku makatok. Sino sa inyo ang amang magbi bigay ng ahas sa kanyang anak kung isda at hin di ahas ang hinihingi nito? Sino ang magbibigay ng alakdan kung itlog ang hinihingi? Kaya kung kayo mang ma sa sama’y marunong magbigay ng ma bubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang Ama mula sa langit? Tiyak na ibibigay niya ang banal na Espi ritu sa mga hihingi sa kanya.”
Pagninilay
Isang tao ang nagtanong sa pari, “bakit kaya na sa paghingi ko nang grasya sa pagpapakumbaba, mara ming mga pangyayaring nagagalit ako?” Nagsalita ang pari, “Sapagkat humihingi ka nang grasya sa pagpapakumbaba, binibigyan ka rin nang maraming pagkakataong maging mapagpakumbaba…” Ang pag hingi mula sa pananalangin ay hindi tulad sa isang tindahang makukuha agad natin kung ano ang ating kinakailangan. Ang pananalangin ay isang proseso kung saan ipinapaabot natin ang mga nais natin sa Panginoon. Binibigyan din naman tayo ng pagka kataon na maging busilak ang ating naisin sa paghingi at ito’y sang-ayon sa kalooban ng Diyos. Kaya kinakailangang magpatuloy tayo sa pananalangin dahil ang Panginoo’y nakikinig sa atin. Gayunpaman, ang katuparan sa ating panalangin ay nanatili sa tamang panahon at kalooban ng Diyos. Alam ng Panginoon ang atin g mga pangangailangan, sa mga bagay na mabuti at hindi mabuti para sa atin. Ipaabot natin ang ating panalangin sa Panginoon at ipagkatiwala sa kanya ang katuparan at tugon sa ating mga ninanais.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023