Ebanghelyo: Mateo 18:1-5, 10
Nang panahong iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at tinanong nila siya: “Sino ang mas una sa kaharian ng Langit?”
Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo na hanggang hindi kayo nagbabago at nagiging katulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Langit. Ang nagpapakababa gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinakamalaki sa kaharian ng Langit. At ang sinumang tumanggap sa batang ito dahil sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin.
Huwag sana ninyong hamakin ang isa sa maliliit na ito; talagang sinasabi ko sa inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang mga anghel sa Langit.
Pagninilay
Likas sa akin na ako ay malapit sa mga bata, tuwing nasa mga kumunidad ako, ang mga bata ang una kong nilalapitan. Maraming mga bagay ang matutunan natin sa kanila na maaring atin na itong nakalimutan dahil nagkaka-edad na tayo, tulad ng kawalang-sala, lubos na pagtitiwala at katapatan, at iba pa. Para sa akin, sa tuwing nakakasama ko ang mga bata, para ko na ring nakasama ang mga anghel. Hindi natin dapat hamakin ang mga bata dahil ang kanilang mga anghel ay laging nagbabantay sa langit. May mayroon bang mga pang-aapi sa mga bata ngayon sa ating mundo? Manalangin tayo sa mga bansang nag-legalize sa pagpapalaglag, kasama na ang mga batang biktima ang karahasan at gutom, yung iba naman ay namamatay bungga ng matinding hidwaan ng ibat-ibang bansa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021