Ebanghelyo: Lucas 21:34-36
Mag-ingat kayo’t baka bumigat ang inyong mga isip sa mga bisyo, paglalasing at mga intindihin sa buhay. At baka bigla kayong datnan ng araw na iyon. Babagsak itong parang bitag sa lahat ng nasa lupa. Kaya lagi kayong magbantay at manalangin para maging marapat na makatakas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”
Pagninilay
Hindi malilimutan ang mga paghihirap at pagsubok ng mga kabataang estudyante sa Nicaragua noong 18 ng Abril 2018, ang simula ng mapayapang protesta laban sa karahasan ng gobyerno. Napakarami sa kanila ang namatay at nag-alay ng kanilang buhay para sa kanilang inang bayan. Ang alaala nila nawa’y magbigay lakas at inspirasyon din sa atin sa oras ng mga pagsubok at paghihirap na ating dinaraanan. Higit sa lahat, lumingon tayo kay Jesus upang bigyan niya tayo ng higit pang pananampalataya, pag-asa at pagmamahal. Nang sa gayon ay maiwasan natin ang anumang bagay na magdudulot sa atin ng kapahamakan at pagkalulong sa maraming uri ng ‘di mabubuting bisyo sa katawan na naglalayo sa atin sa Panginoon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020