Ebanghelyo: Lc 21: 1-4
Tumingin si Jesus at may mayayaman na naghuhulog ng kanilang abuloy sa kabang-yaman. At nakita rin niya ang isang pobreng biyuda na naghulog ng dalawang barya. At sinabi niya: “Talagang sinasabi ko sa inyo na pinakamahalaga sa lahat ang inihulog ng dukhang biyudang ito. Naghulog nga silang lahat sa kabangyaman mula sa sobra nila pero inihulog naman niya mula sa kanyang kasalatan ang buo niyang kabuhayan.“
Pagninilay
Sa ebanghelyo, pinuri ni Jesus ang dukhang biyuda sapagkat inihulog niya mula sa kanyang kasalatan ang buo niyang kabuhayan. Ang motibasyon ng biyuda na magbigay mula sa abot ng kanyang makakaya ang nag-angat sa kanya mula sa iba pang nagbigay ng kanilang alay. Kung minsan, sa ating pagbibigay sa simbahan iniisip pa natin kung magkano ang kaya nating ibigay o magkano kaya ang ibibigay ng iba? Ayaw nating mapagiwanan o ang bigay natin ang pinakamaliit. Nahihiya tayo. Minsan umiiral sa atin ang pagiging madamotNaalala ko ang sinabi ni Mother Teresa ng Calcutta, “Dapat handa akong ibigay ang anumang kailangan para makagawa ng mabuti sa iba. Ito ay nangangailangan na handa akong magbigay hanggang sa ito ay masakit. Kung hindi, walang tunay na pag-ibig sa akin, at nagdadala ako ng kawalang-katarungan, hindi kapayapaan, sa mga nakapaligid sa akin.” Mula sa kaibuturan ng ating puso, ano ang kaya nating ihandog sa Diyos?
© Copyright Pang Araw – araw 2024