Ebanghelyo: Lucas 19:45-48
Pumasok si Jesus sa patyo ng Templo at pinalayas ang mga nagtitinda, at sinabi niya: “Nasusulat: ‘Magiging bahaydalanginan ang aking bahay,’ pero ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw!” Araw-araw na nangangaral si Jesus sa Templo. Hangad siyang patayin ng mga punong-pari at mga guro ng Batas, kasama ang mga Matatanda ng bayan. Ngunit wala silang magawa dahil taimtim na nakikinig sa kanya ang buong bayan.
Pagninilay
Ang isang masipag na batang lalaki sa kumbento siya ay may inisyatibo at hindi na kailangan utusan pa. Maagangumaga ay handa na ang lahat para sa Misa at malinis na rin ang simbahan. Ngunit nagulat ang pari dahil marami ang nakikinabang, ngunit palaging puno ng maliit na hostia ang tabernakulo. Pinagmasdan ng pari ang batang lalaki, ngunit siya ay nabigla dahil bago pala matulog ang bata, ugali niyang dagdagan ng maliit na hostia ang tabernakulo para mapuno. Sa palagay ko, walang kasalanan ang bata at kulang lang ito ng pagtuturo ukol dito. Makikita natin sa huling parte ng misyon ni Jesus na pinapahalagahan niya ang templo, sapagkat ang bahay ng kanyang Ama at ito ang lugar ng kabanalan. Ibalik natin ang paggalang at pagmamahal ng ating inang simbahan sa pamamagitan ng pagsusuot ng tamang kasuotan kung tayo’y sumisimba, pagluhod sa harap ng tabernakulo, pag-iwas na magkalat at mga simpleng pamamaraan na batid nating kalugod-lugod sa Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021