Ebanghelyo: Marcos 16:15-20
At sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at di sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.”
Matapos silang kausapin ng Panginoong Jesus, iniakyat siya sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila.
Pagninilay
Today we celebrate the Ascension of the Lord. All the readings relate to the event of Jesus’ ascent to heaven. The liturgy invites us to contemplate two keywords central to this celebration: hope and dynamism. As it can be noted in the first reading the disciples fixed their eyes in heaven. This is beautiful image of seeing beyond our human conditions and hoping to participate in the resurrected life of Jesus. One day we will be united with our Lord. But for the moment there is a mission to be done. The gift of new life does not end to oneself. It brings joy and fulfillment to others; that is why it is good news: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal.” Ascension is hoping; it is also the beginning of new dynamism. The principle or the motor of this new dynamism is the Holy Spirit. Every calling and mission is always accompanied by a gift: “… magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at di sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.” Ito ang katiyakan ng patuloy na presensya ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu maaari nating puksain ang kasamaan at kabuktutan, maaari tayong matuto at magsalita ng wika ng pag-ibig, kapayapaan, pagkakasundo at katarungan nang walang takot; walang anumang pagtataksil ang maaaring tumakot o makapaminsala sa atin; walang anumang lason na maaaring maghiwalay sa ating mga puso at isipan. Higit sa lahat, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang ating mga gawa ng panalangin at pagpapala ay maaaring tumagos maging sa pinakamatigas na puso at kaluluwa.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021