Ebanghelyo: Juan 13:31-33a, 34-35
Pagkalabas ni Judas, sinabi ni Jesus: “Niluwalhati na ngayon ang Anak ng Tao, at niluwalhati rin sa kanya ang Diyos. At agad naman siyang luluwalhatiin ng Diyos sa sarili nito.
Mga munting anak, sandali na lamang n’yo akong kasama.
Isang bagong utos ang ibini bigay ko sa inyo: magma hal an kayo! Kung paano ko kayo minamahal, gayon kayo mag mahalan. Sa ganito makiki lala ng lahat na mga alagad ko kayo kung may pagmamahal kayo sa isa’t isa.”
Pagninilay
Ang isinaysay na pagdalaw ni Pablo at kanyang mga kasa-mahan sa iba’t ibang Iglesya ay paraan ng pagpapasigla at pagpapa-tibay sa pananampalataya ng mga bagong yumakap sa Kristiyanismo. Kasama sa pahayag nila ang pag-bubukas ng pinto ng pagkilala kay Jesus kahit sa mga hindi Judio. Kaya naman sinasabi sa Aklat ng Pahayag (Ikalawang Pagbasa) “Nasa piling na ng mga tao ang Tirahan ng Diyos.”
Ang tirahan ay lugar ng pama-malagi. Sa tirahan makakaharap ang presensya ng mga kasambahay. Sa sipi mula sa Ikalawang Pagbasa ay kasambahay na natin ang Diyos! Ito raw ang pagkakaiba ng tirahan sa tahanan: ang pagmamahalan ng mga naninirahan dito. Totoo ngang nasa piling ng tao ang tirahan ng Diyos, ngunit kung walang pagma-mahalan ay wala ring pananahan. Sapagkat labas-masok ang mga tao na walang tunay na ugnayan. Ang bagong utos ang magwawasto ng kakulangan: “Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: magma-halan kayo!” Sandali na lamang ang ipamamalagi ni Jesus sa lupa ngunit kung magmamahalan ang mga alagad, patuloy na mararana-san ang kanyang presensya. Patuloy na madarama ang pamamalagi ni Jesus kahit na hindi na Siya nakikita, naririnig o nahahawakan.
“Kung paano ko kayo mina-mahal, gayon kayo magmahalan.” Kailangang-kailangang maranasan natin ang pagmamahal ni Jesus dahil ito ang tanging ugat at dahilan kung paano natin maisasakatuparan ang utos Niyang magmahalan tayo. Hang ga’t hindi nagiging bahagi ng ating karanasan ang kakaibang pagmamahal ni Jesus, tiyak na may bahid pa ng pagkamakasarili ang nauunawaan nating pagmamahal.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022