Ebanghelyo: Juan 13:16-20
Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, walang aliping mas dakila sa kanyang panginoon, ni walang sinugong mas dakila sa nagpadala sa kanya. Kung alam ninyo ito, mapalad kayo kung isinasagawa n’yo ang mga ito.
Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko. Kilala ko ang mga hinirang ko. Ngunit kailangang maganap ang Kasulatan: Ang nakikisalo sa aking pagkai’y tumalapid sa akin.” Sinasabi ko ito ngayon sa inyo bago pa mangyari upang maniwala kayong Ako Nga kapag nangyari ito.
Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: ako ang tina-tanggap ng tumatanggap sa ipinadadala ko, at ang nag-padala sa akin ang tinatanggap ng tumatanggap sa akin.”
Pagninilay
Sa Unang Pagbasa ay binaybay ni Pablo ang kasaysayan ng kaligtasan ng Bayan ng Diyos, ang Israel. Sa pagbabalik-tanaw, madaling makita na may planong gumagabay sa buhay ng tao na tila guhit na siyang sinusunod ng paglakad ng panahon. Kaya naman sa Ebanghelyo ay tinu koy ni Jesus, “Kung alam ninyo ito, mapalad kayo kung isinasagawa ninyo ang mga ito.”
May kasabihang “mahirap lu-mangoy laban sa agos.” Ang agos ng makasariling ginhawa, layaw at ambisyon ay mahirap isantabi o ipagpaliban man lang. Ito ang sarili kong halimbawa bilang isang baguhan sa buhay-relihiyosa. Ilang panahon na at magpasahanggang ngayon, karanasan ko ang pagig-ing alipin ng sarili kong katawan, emosyon at kapalaluan. Madalas ay ibinubulong na ng puso ko “magpa-tawad ka na” at tinutugunan ko ng “ayoko nga.” Sa huli’y napagtanto kong pinahihirapan ko ang aking sarili. Mabigat ang maging alipin ng kahit na anuman. Nararamdaman kong hinaharangan ko si Jesus para magawa Niya ang nais Niyang ibigay na tulong at biyaya sa akin.
Sa kabilang dako, para sa mga napaalipin na sa Diyos, sa Kanyang banayad at mapagmalasakit na Espiritu, mahirap na para sa kanila ang lumangoy laban sa agos ng pag papatawad, pakikiramay at pag-mamahal.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022