Ebanghelyo: Juan 12:44-50
Malakas namang sinabi ni Jesus: “Ang nananalig sa aki’y hindi sa akin kundi sa nagpadala sa akin. Ang pumapansin sa aki’y pumapansin sa nagpadala sa akin.
Dumating ako na liwanag sa mundo upang hindi mamalagi sa dilim ang bawat nananalig sa akin. Kung may nakakarinig sa aking mga salita at hindi ito iniingatan, hindi ako ang humahatol sa kanya sapagkat dumadating ako hindi para hatulan ang mundo kundi para iligtas ang mundo.
May humahatol sa bumabale-wala sa akin at di tuma-tanggap sa mga pananalita ko. Ang salitang ipinangusap ko ang siyang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nangusap sa ganang sarili ko; ang nagpadala sa akin ang Ama siya mismo ang nag-utos sa akin kung ano ang sasabihin ko at ipangu-ngusap.
Alam kong buhay magpakailanman ang kanyang utos. Kaya ang ipinangungusap ko’y ipinangungusap ko gaya ng sinabi sa akin ng Ama.
Pagninilay
May mga pelikulang nag-lalantad ng kahigpitan ng Komunismo at gayundin ng mga kalabisan ng Demokrasya. Kahit anong uri ng pamahalaan ay may angking galing at kahinaan, pagkukulang at pagmamalabis. Ipinapakita sa Unang Pagbasa kung paanong maisasaayos ang pama-malakad sa taong nilikhang malaya nguni’t napakadaling paalipin. Sina Bernabe at Saulo ay ibinukod sa gawaing itinakda ng Diyos para sa kanila. Pinatungan sila ng kamay bilang pagkakaloob ng Espiritu at tanda ng pagsusugo sa kanila.
Si Jesus din ay sinugo ng Ama. Lahat ng kilos at pananalita Niya ay ayon sa ipinag-uutos ng Ama. Kaya sinabi Niya, “May humahatol sa bu-mabale-wala sa akin at di tumatang-gap sa pananalita ko.” Makaiiwas lamang ang tao sa pagkukulang at pagmamalabis kung nagsisilbing gabay niya ang utos ng Diyos. Subalit karaniwan sa atin ang humahatol sa kapwa ayon sa pansarili nating pamantayan: gaano ako nasaktan, ganito ang pagkaunawa ko, ganito ang naramdaman ko, mas maba-bang-uri ng tao siya kaysa sa akin, kailangang maipakita kong may kapangyarihan ako, atbp. Nilikha tayong may kalayaan; sa kabutihan ba natin ito ginagamit o pinababa-yaan nating maging alipin tayo ng pagkamakasarili at ng kasamaan?
© Copyright Pang Araw-Araw 2022