Ebanghelyo: Juan 10:22-30
Piyesta ng Pagtatalaga sa Jerusalem, taglamig noon. Palakad-lakad si Jesus sa Templo sa patyo ni Solomon, at pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya: “Hanggang kailan mo ba kami ibibitin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang lantaran.”
Sinagot sila ni Jesus: “Sinabi ko na sa inyo pero hindi kayo naniniwala. Nagpapatunay tungkol sa akin ang mga gawang tinatrabaho ko sa ngalan ng aking Ama. Ngunit hindi kayo naniniwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa.
“Dinidinig ng aking mga tupa ang aking tinig at kilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Buhay magpakailanman ang ibinibigay ko sa kanila at hinding-hindi sila kailanman mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa kamay ko. Mas dakila sa anuman ang ibinigay sa akin ng aking Ama, at walang makaaagaw mula sa kamay ng Ama. Iisa kami: ako at ang Ama.”
Pagninilay
Noong pumasok ako sa mo-nasteryo, lubos ang aking galak na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakita’t nakaha-wak ako ng tupa! Nakakaaliw silang panooring kumakain, natutulog at naghahabulan. Ngunit mas natu-tuwa ako sa tuwing tinatawag ng mga mongha ang paborito naming tupa, si Lenta. Dagling lumalapit si Lenta at kakainin ang anumang ibigay sa kanya. Minsan ay sinubukan ko siyang tawagin. Lumingon siya sa pinanggagalingan ng tinig ngunit ni isang hakbang ay hindi n’ya ginawa. Unti-unti siyang lumakad palayo sa akin. Marahil ay hindi niya kilala ang aking tinig.
Hindi ba’t ganito rin ang nang-yayari sa ating relasyon sa Diyos? Maraming iba’t ibang tinig kung kaya’t hindi madaling makasu-nod sa inuutos Niya. Mahalagang maging pamilyar sa Kanyang tinig, sa kanyang pananalita pati na rin sa Kanyang katahimikan. Isang mabisang paraan ay ang palagiang pagbabasa at pakikinig sa Salita ng Diyos. Hindi natin kailangang mau-nawaan lahat para makasunod. Tulad ng ating Mahal na Inang Maria, lahat ng hindi natin maunawaan ay dapat nating ingatan sa ating puso dahil sa tamang panahon ito’y mag-sisilbing liwanag sa pagtahak ng landas patungo sa katuparan ng kalooban ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022