Ebanghelyo: Juan 10:27-30
Dinidinig ng aking mga tupa ang aking tinig at kilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Buhay magpakailanman ang ibinibigay ko sa kanila at hinding-hindi sila kailanman mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa kamay ko. Mas dakila sa anuman ang ibinigay sa akin ng aking Ama, at walang makaaagaw mula sa kamay ng Ama. Iisa kami: ako at ang Ama.”
Pagninilay
Ang paglaganap ng pananam-palataya ay nais kong iham-bing sa aking karanasan. Ang pagpapastol ng mga tupa na binang-git sa ating Ebanghelyo ngayon ay nauunawaan ko dahil sandali akong nagbantay at nag-alaga ng mga tupa. May mga alaga kaming tupa dito sa aming monasteryo. Isang mongha ang nagpapastol sa kanila. Nang kinailangang umalis ang na-turang mongha, pansamantala ng 3 buwan, sa akin niya ibinilin ang pangangalaga ng mga tupa.
Sa unang araw ay mailap sila sa akin. Lalapit pa lamang ako ay magtatakbuhan na silang palayo. Kaya sa ikalawang araw, bago ako lumapit ay kinausap ko sila nang ganito: Wala ang pastol ninyo; ako muna ang mag-aalaga sa inyo. Pag-katapos ay tinawag ko silang isa-isa sa kanilang pangalan. At tuwing makikita ko silang samasamang kumakain, binibilang ko sila. Nais kong makasiguro na walang nahi-walay o nawawala sa mga alaga ko. Kalauna’y nakilala na nila ako. Ma-layu-layo pa o parating pa lamang ako ay sumasalubong na ang mga na tila baga’y humihingi ng pagkai’t inumin. Sang-ayon ako kay Santo Papa Francisco na ang tunay na nag-aalaga ng tupa ay mag-aamoy tupa din. At ang pastol na amoy-tupa ay tiyak na kilala ng mga alaga niya. Nakikinig ang mga tupa sa tinig ng pastol. Maihahatid ng pastol ang mga tupa sa ligtas at mainam na damuhan sapagkat sumusunod sila saan man sila dalhin ng pastol. Hindi mapapahamak ang mga tupa sapagkat ayaw ng pastol na isa man sa kanila ay mawala o mawalay sa piling niya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022