Ebanghelyo: Juan 6:60-69
Nang marinig ito ng kanyang mga alagad, marami sa kanila ang nagsabi: “Mabigat ang salitang ito. Sino ang makakapakinig dito?”
Alam ni Jesus sa kanyang sarili na nagbubulung-bulungan tungkol dito ang kanyang mga alagad kayat sinabi niya sa kanila: “Nakakaiskandalo ba ito sa inyo? Ano kayat mapansin n’yo ang Anak ng Tao umaakyat sa dati niyang kinaroroonan? Ang espiritu ang nagbibigay-buhay; walang bisa ang laman. Ang mga salitang binigkas ko sa inyo’y espiritu kaya buhay. Ngunit may ilan sa inyo ang hindi naniniwala.” Pagkat alam ni Jesus mula sa simula kung sinu-sino ang mga di maniniwala at kung sino ang magkakanulo sa kanya.
At sinabi niya: “Dahil dito kaya ko sinabi sa inyong walang makalalapit sa akin malibang ipagkaloob ito sa kanya ng Ama.”
Kaya mula noo’y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na nagpatuloy sumama sa kanya. Sinabi naman ni Jesus sa Labindalawa: “Gusto n’yo rin bang umalis?”
Sumagot sa kanya si Simon Pedro: “Panginoon, kanino kami pupunta? Mga salita ng buhay magpakailanman meron ka. Naniniwala na kami at kilala naming ikaw ang Banal ng Diyos.”
Pagninilay
Pinagaling ang maysakit, bi-nuhay ang patay na: bakit at paano nagawa ito ni Pedro? Dinadalaw niya ang mga pama-yanan ng mga mananampalataya dahil payapa na ang Iglesya sa buong Judea, Galilea at Samaria. Karaniwan sa mga tao (sa mga mananampala-taya) ang ningas-kogon. Unti- unti ay nanlalamig at nagiging pabaya. Ang mga himalang ito’y isang pam-parikit, isang muling pagpapani-ngas ng alab ng pananampalataya. Sa ating buhay ang mga suliranin, pagsubok, sakit o kamatayan ay ma dalas na panggising sa atin kung naging pabaya tayo sa ating panga-ngalaga sa mga pakikipag-ugnay natin. Iminumumulat ang ating isip at damdamin na kahit anong hindi pinangangalagaan ay para na ring hindi pinahahalagahan. Umuunlad, lumalago at lumalalim ang ating ugnayan kay Jesus kapag natukla-san natin ang tunay na halaga Niya sa ating buhay.
Sa Ebanghelyo, ipinaaalala sa atin na “Ang espiritu ang nagbibig-ay-buhay; walang bisa ang laman.” Ginagamit lamang ang panlabas na kababalaghan upang pukawin, pagtibayin at mapag-ibayo ang bu-hay-espirituwal na magtataguyod sa atin hanggang sa buhay na walang hanggan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022