Ebanghelyo: Lucas 4:24-30
Sinabi ni Jesus: “Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. Tinitiyak ko sa inyo na maraming babaeng balo noon sa kapanahunan ni Elias nang sarhan ang langit sa loob ng tatlo’t kalahating taon at nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Gayon pa ma’y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa babaeng balo ng Sarepta sa may Sidon. Marami ring may ketong sa Israel sa kapanahunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinagaling kundi ang Siriong si Naaman.”
Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, tumindig sila at ipinag-tulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na kinatatayuan ng kanilang bayan para ihulog. Ngunit dumaan siya sa gitna nila at umalis.
Pagninilay
Naranasan nating lahat ang pagtanggi, at alam natin na ang pinakamalalim at pinakamasakit na uri ng pagtanggi ay hindi nagmula sa mga hindi kilalang tao, ngunit mula sa mga taong pinakamalalapit sa atin. Ma-daling tanggapin ang pagtanggi mula sa mga taong hindi tayo kilala. Mas mahirap – at mas masakit – na ma rinig ito mula sa mga taong nakaka kilala sa atin at mga mahal natin, lalo pa’t ang pag-unawa nila ay may kahulugan sa atin.
Kapag kailangan nating harapin ang pagtanggi, maaari tayong ma tuto mula sa ating Panginoon. Hindi niya pinayagan ang pag-tanggi na ilayo siya sa dapat niyang ga win. Hindi niya pinayagan ang pag tanggi na makapagpagalit sa kanya o makapagpahina ng loob. Kumapit siya sa isang isang ma-halagang bagay – ang kanyang misyon. Ito ang nagpatibay sa kanya habang nakabayabay sa krus at napapalibutan ng kanyang mga kaaway. Bumalik tayo roon sa kung bakit nga ba natin ginagawa ito, ang ating layunin, at humugot tayo roon ng lakas.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022