Ebanghelyo: Mateo 5:43-48
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyo na sinabi: Mahalin mo ang iyong kapwa at kamuhian ang iyong kaaway. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mahalin ninyo ang inyong kaaway, at ipagdasal ang mga umuusig sa inyo. Sa ganito kayo magiging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa kapwa masama at mabuti, at pinapapatak niya ang ulan sa kapwa makatarungan at di-makatarungan.
“Kung mahal ninyo ang nagmamahal sa inyo, bakit kayo gagantimpalaan? Di ba’t ginagawa rin ito ng mga kolektor ng buwis? At kung ang mga kapatid ninyo la- mang ang inyong bina- bati, ano ang naiiba rito? Di ba’t ginagawa rin ito ng mga pa- gano?
“Kaya maging ga-nap kayo gaya ng pa-giging ganap ng inyong Amang nasa langit.”
Pagninilay
Mangangahas akong sasabi-hin na medyo madaling ma-halin ang karamihan sa mga tao. Gayunpaman, kahit na ang mga mahal natin, nakakainis din pa-minsan-minsan. At may mga pana-hon din na hindi natin sila kasundo. Gayunpaman, mahal pa rin natin sila at nais nating manatili sa relasyon sa kanila. Ang pagmamahal natin sa kanila ay nangingibabaw sa mga minsang maliliit na mga kinakaini-san natin. Kaya naman ginagawan ng paraan para mangibabaw ang pagmamahal.
Pinapaalala sa atin ng Ebang-helyo na walang pinipili ang Amang nasa langit sa kanyang pagmama-hal. Lahat ay biniyayaan niya ng kanyang kalinga at habag. Kaya nga naman tayo rin ay inaanyayahan na gawin ito sa ating kapwa. Madaling sabihin, mahirap gawin, ika nga ng karamihan. Kung aasa lang tayo sa sarili nating kakayahan. Pero kung ito’y ating dinadasal at hinihingi sa Diyos, maari natin itong makamit. Hi-li ngin natin sa ating Ama na ma ging bukas ang ating mga puso at tang-gapin ang kung sino man ang pina-padala niya sa atin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022