Ebanghelyo: Mateo 5:20-26
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mas ganap ang inyong kabanalan kaysa sa mga guro ng Batas at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Langit.
“Narinig na ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: Huwag kang papatay: hahatulan ang sinumang pumatay. Sinasabi ko naman sa inyo: hahatulan ang nagagalit sa kanyang kapatid. Hahatulan sa Sanggunian ang sinumang magsabi ng “Tanga” sa kanyang kapatid; hahatulan sa apoy ng impiyerno ang sinumang magsabi ng “Tanga.” Kaya sa paglalagay mo sa altar ng iyong hain at naalaala mong may reklamo sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong hain sa harap ng altar at puntahan mo ang iyong kapatid para makipagkasundo sa kanya. At saka ka bumalik at ialay ang iyong hain sa Diyos.
“Makipagkasundo ka sa iyong kaaway habang papunta pa kayo sa hukuman, at baka ipaubaya ka niya sa hukom na magpapaubaya naman sa iyo sa pulisya na magkukulong sa iyo. Talagang sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas hangga’t di mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”
Pagninilay
Bilang tao, naranasan na natin ang magkabilang dulo ng emosyon: positibo at negatibo. Sa Ebanghelyo, kinausap ni Jesus ang kanyang mga alagad tungkol sa iba’t-ibang reaksyon na pwede nilang piliin. Maaaring piliin na ituon ang damdamin sa positibo at magpapasaya sa atin: pagmamahal, pag-asa, kabutihang-loob at pana-nam palataya! O maaaring piliin na ituon ang damdamin sa gumagam-bala sa atin at ikagagalit natin: galit, panibugho, atbp.
Ang ating mga emosyon ay hindi “masama” o “mabuti.” Kung ano ang ating reaksyon sa mga ito ang siyang magdidikta kung masama nga ba ito o mabuti. Marami sa atin na kahit na sa gitna ng galit o inggit ay pipiliing maging maka-Kristiyano pa rin sa pakikitungo sa iba. Pipiliin o hahanapin ang positibong aspeto sa isang negatibong panahon. Pi-piliing maging makipagkasundo, hindi dahil tama ang kabila, ngunit yaon ang mapagmahal na gawain. Pinapaalala sa atin ng Ebanghelyo na pwede nating piliin ang siyang mapagmahal.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022