Ebanghelyo: Mateo 7:7-12
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Humingi at kayo’y bibigyan; maghanap at matatagpuan ninyo; kumatok at bubuksan ang pinto para sa inyo. Talaga ngang tumatanggap ang humihingi, nakakakita ang naghahanap, at pagbubuksan ang kumakatok. Sino sa inyo ang magbibigay ng bato sa kanyang anak kung tinapay ang hinihingi nito? Sino ang magbibigay ng ahas kung isda ang hinihingi nito? Kahit masama kayo, marunong kayong magbigay ng mabuting bagay sa inyong mga anak. Gaano pa kaya ang inyong Amang nasa Langit? Magbibigay siya ng mabubuting bagay sa mga hihingi sa kanya.
“Kaya gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin sa inyo, ito ang nasa Batas at Mga Propeta.”
Pagninilay
Ang paghingi ng tulong ay hindi laging madali para sa mara-ming tao. Karamihan sa atin ay medyo mapagsarili na. Ang kaisi-pang, “Kaya ko ito,” ay nakatanim na sa isip natin. Sa isang banda, maa-aring ito ay isang magandang ugali. Masaya tayong tumutulong sa iba, pero para sa marami sa atin, hindi madaling humingi ng tulong para sa sarili natin. Maaari tayong maging mas komportable sa pagtulong sa iba kaysa sa pagtanggap ng tulong para sa ating sarili.
Tinuturo sa atin ng mundo na maging independiyente, na matuto tayong tumayo sa sariling mga paa. At kung mayroon na tayong karana-san sa pagtaguyod ng sarili at nag-tagumpay, akala natin na tayo lang ang magliligtas sa ating sarili. Nakakalimutan na natin ang Diyos. Kaya naman ipinapaalala sa atin ng Ebanghelyo na lumapit sa Diyos. Sa kanya lang natin matatagpuan ang tunay nating hinahanap.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022