Ebanghelyo: Juan 2:13-25 (o Juan 4:5-42)
Malapit na noon ang Paskuwa ng mga Judio, at umahon si Jesus pa- Jerusalem. Natagpuan niya sa patyo ng Templo ang mga nagtitinda ng mga baka, mga tupa at mga kalapati, at ang mga nakaupong tagapalit ng pera. Kaya gumawa siya ng panghagupit mula sa mga lubid, at ipinagtabuyan ang lahat mula sa Templo, pati ang mga tupa at mga baka, at isinabog ang pera ng mga tagapalit at ipinagtataob ang mga mesa. At sinabi niya sa mga nagtitinda ng mga kalapati: “Alisin n’yo ang mga ito! Huwag n’yong gawing palengke ang Bahay ng aking Ama.” Naalaala ng kanyang mga alagad na nasusulat: “Tinutupok ako ng malasakit sa iyong Bahay.”
Kaya sumagot ang mga Judio: “Anong tanda ang maipapakita mo sa amin at ginagawa mo ito?” Sinagot sila ni Jesus: “Gibain n’yo ang templong ito, at ibabangon ko ito sa tatlong araw.”
Sinabi naman ng mga Judio: “Apat-napu’t anim na taon nang itinatayo ang templong ito, at ibabangon mo ito sa tatlong araw?” Ngunit and templong katawan niya ang kanyang tinutukoy. Nang ibangon siya mula sa mga patay, naalaala ng kanyang mga alagad ang sinabi niyang ito. Kaya naniwala sila sa Kasulatan at sa salitang sinabi ni Jesus.
Nang nasa Jerusalem siya sa Piyesta ng Paskuwa, maraming nanalig sa kanyang Pangalan nang mapansin nila ang mga tandang ginagawa niya. Ngunit hindi naman nagtiwala si Jesus sa kanila dahil kilala niya ang lahat. Hindi niya kailangang may magpatunay tungkol sa isang tao dahil alam niya mismo kung ano nga ang nasa tao.
Pagninilay
The Gospel narrative for today’s liturgical celebration is one of the most dramatic and enigmatic scenes we can find the Gospel accounts: “Natagpuan niya sa patyo ng Templo ang mga nagtitinda ng mga baka, mga tupa at mga kalapati, at ang mga nakaupong tagapalit ng pera. Kaya gumawa siya ng panghagupit mula sa mga lubid, at ipinagtabuyan ang lahat mula sa Templo, pati ang mga tupa at mga baka, at isinabog ang pera ng mga tagapalit at ipinagtataob ang mga mesa.” Jesus hit them right there at the very center of their cultic institution: the temple. Jesus found in the temple so much desrespect of the House of His Father; so much falsity that the temple became a place of insatiable search for money and power instead of justice, peace and love. “Alisin n’yo ang mga ito! Huwag n’yong gawing palengke ang Bahay ng aking Ama.” It has to be noted that this happened at the corridors of the temple, not in the Sanctuary of the temple. In the Sanctuary of the temple only the priests can enter; unlike our churches, priests and the entire people of God enter to encounter and celebrate the presence of God. In our church, there should not be divisions. In our church, all are equal. And if we are thinking that “I” or “you” have and edge of the other because of possession, authority, culture or religious status, then we are in wrong place. This consciousness is not readily accepted. We have learned this from Jesus: “Gibain n’yo ang templong ito, at ibabangon ko ito sa tatlong araw.” Just like in Paul’s meditation in the second reading: “Humihingi ang mga Judio ng mga palatandaan at naghahanap ang mga Griyego ng karunungan, subalit ipinangangaral namin si Kristong ipinako sa krus, isang iskandalo para sa mga Judio at katangahan para sa mga di-Judio.”
© Copyright Pang Araw-Araw 2021