Ebanghelyo: Mateo 12:1-8
Naglakad noon si Jesus sa mga taniman ng trigo minsang Araw ng Pahinga. Nagutom ang kanyang mga alagad at sinimulan nilang alisin sa uhay ang mga butil, at kinain iyon. Nang mapansin ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Jesus: “Tingnan mo ang iyong mga alagad, guma gawa sila ng ipinagba bawal sa Araw ng Pahinga!” Ngunit sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David noong magutom siya at ang kan yang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang tinapay na inihain para sa Diyos gayong bawal sa kanya o sa kanyang mga kasama na kainin ito liban sa mga pari. At hindi ba ninyo nabasa sa Ba tas na sa Araw ng Pahi nga, walang pahinga ang mga pari sa Templo pero wala silang kasalanan dahil dito? Sinasabi ko naman sa inyo: Dito’y may mas dakila pa sa Templo. Kung nau u nawaan ninyong talaga ang salitang ito, ‘Awa ang gusto ko, hindi handog,’ hindi sana ninyo hinatulan ang walang-sala. At isa pa’y ang Anak ng Tao ang Pangi noon ng Araw ng Pahinga.”
Pagninilay
Madali ang pagsunod sa batas kung atin lamang susundin ang mga letra nito. Kung ano lang ang nakasulat, yun lang din ang sundin. Ngunit may mga pagkakataong kung hanggang letra lamang tayo sa letra ng batas, ang ba tas mismo ang magbibigay ng kabigatan sa tao. Ang mga batas ay ginawa upang magbigay kaayusan sa buhay ng tao at pamayanan. Ang batas ay ginawa para sa tao hindi ang tao para sa batas. Kaya, hindi sana maging alipin nang batas ang tao. Kaya nga sa proseso ng paggawa ng batas at pagpapatupad nito, kailangan na ito’y umukol sa kabutihan ng tao. Kung hindi na ito nagbibigay ng kabutihan sa tao, dapat lamang na ito’y baguhin. Si Jesus ay nagtuturo sa atin sa dapat na pagsunod sa batas na binabalot ng pag-ibig at awa. Awa hindi sakripisyo! Ang tao na nananatili sa letra ng batas ay may pagkukulang sa kanyang pagkilala sa Diyos. Ang Diyos ay maawain na hukom. Tayo’y kanyang huhusgahan batay sa batas ng pag-ibig at hindi sa letra ng batas. Ang pag-ibig ng Diyos ang nangi ngibabaw sa lahat ng batas.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023