Ebanghelyo: Mateo 11:28-30
Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at mababangloob, at makakatagpo kayo ng gin hawa para sa inyong kaluluwa. Sapagkat mahusay ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.”
Pagninilay
Para sa Judaismo, ang pamatok ay sagisag ng mga batas na dinadala ng guyang baka o bisiro na nagdudulot kabigatan sa kanyang leeg at braso. Si Jesus ang tinutukoy ng mga propeta at mga batas na ipinagkaloob ng Diyos. Siya ang sumasalo sa lahat ng batas upang maging matuwid ang tao sa harapan ng Diyos na lumikha sa kanya. Kay Jesus, naging magaan ang pagsunod sa batas dahil hindi na ito nakabase sa maraming letra at mga detalyeng itinuro ng mga Pariseo; bagkus, buhat at turo ni Jesus na naglalarawan sa pag-ibig at awa nang Diyos. Kaya lumapit tayo sa kanya upang maging magaan ang ating mga dalahin habang naglalakbay tayo sa daan patungo sa kabanalan at katiwasayan. Tayo’y lumapit kay Jesus, sa Salita at mga Sakramento upang atin g makamtan ang kanyang mapagpalang kaligtasan at kapangyarihan bilang mga anak ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023