Ebanghelyo: Lucas 1:1-4; 4:14-21
Marami na ang nagsikap na isalaysay ang mga nangyari sa piling natin, batay sa mga ipinaabot sa atin ng mga nakakita nito noong unang panahon na naging mga lingkod din ng Salita. Kaya minarapat ko ring isulat ang mga ito nang may kaayusan para sa iyo, matapos maingat na masuri ang lahat ng ito mula pa sa simula. Kaya kagalang-galang na Teofilo, ikaw mismo ang makaaalam na matatag ang mga bagay na iyong natutuhan.
Nagbalik si Jesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu at lumaganap sa buong kapaligiran ang balita tungkol sa kanya. Kinaugalian niyang magturo sa kanilang mga sinagoga, at pinupuri siya ng lahat.
Pagdating niya sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para bumasa ng Kasulatan, at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias.
Sa paglaladlad niya sa rolyo, natagpuan niya ang lugar kung saan nasusulat: “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ipahayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.”
Binilot ni Jesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo. At nakatuon sa kanya ang mga mata ng lahat ng nasa sinagoga. Sinimulan niyang magsalita sa kanila: “Isinakatuparan ang Kasulatang ito ngayon habang nakikinig kayo.”
Pagninilay
Ano ang binabasa mo para ma pangalagaan ang iyong isip? Ano ang hindi mo bina-basa dahil hindi ito mag-aangat o di kaya’y makakasira ng iyong kaisipan? Anong mga programa sa telebisyon ang pinapanood mo dahil nakakatulong sila at anong mga prog rama ang hindi mo pinapanood? Hindi lamang ang katawan natin ang pinapahalagahan natin kundi pati na rin ang ating kaisipan. Kaya naman nagpapasya tayo kung ano ang pina panood o binabasa natin para maprotektahan ang ating kaisipan at piliin lamang yaong nakakatulong sa ating pagkatao.
Higit sa lahat, alam natin bilang mga Kristiyano kung ano dapat ang pinang huhubog natin sa ating mga sarili. Ang Bibliya, dahil ito ang Salita ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sa unang pagbasa binasa ni Esdras ang Torah, ang unang limang aklat ng lumang tipan, at bakit sa Ebang-helyo binasa ni Jesus sa sinagoga. Ito ang dahilan kung bakit binabasa natin ang Banal na Kasulatan sa tuwing nagtitipon tayo para sa Misa. Ito ang dahilan kung bakit hinihimok tayo na basahin ang Bibliya araw-araw. Ang Bibliya ay Salita ng Diyos at samakatuwid ay ang pinaka na-kapagpapalusog sa ating kaluluwa at kaisipan.
Kaya hinihikayat tayo na palali-min ang pag-iintindi natin sa banal na kasulatan. Una, sa pagbasa nito araw-araw. Kailan ba natin huling binuklat ang ating mga bibliya? Marami na ring mga apps na bibliya sa ating mga smartphones. Marami nito ang nagpapaalala pa sa atin kung ano ang babasahin sa araw na iyon. Pangalawa, palalimin natin ang pag iintindi sa pamamagitan ng pagsasaliksik o ‘di kaya’y sa pakikinig sa mga Katolikong pari o layko na naglalahad nito. Sa pamamagitan ng pagpapalalim, mas lalo nating makikilala si Jesus. At sa malalim na pagkakakilala natin sa kanya, mas lumalapit ang ating mga yapak sa kanya, na yaon naman talaga ang pinakamahalaga sa lahat.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022