Ebanghelyo: Juan 1:35-42
Kinabukasan, naroon na naman si Juan at dalawa sa Kanyang mga alagad. Pagdaan ni Jesus, tinitigan Niya ito at sinabi: “Hayan ang Kordero ng Diyos.” At narinig siyang nagsasalita ng dalawang alagad kaya sinundan nila si Jesus. Lumingon si Jesus at nakita Niya silang sumusunod, at sinabi Niya sa kanila: “Ano’ng hinahanap n’yo?” Sumagot naman sila sa Kanya, “Rabbi (na kung isasalin ay Guro), saan ka namamalagi?” At sinabi Niya sa kanila: “Halikayo at inyong makikita.” At pumaroon sila at nakita kung saan Siya namamalagi, at maghapon silang namamalagi sa Kanya. Mag-iika-apat ng hapon ang oras noon. Si Andres na kapatid ni Simon Pedro and isa sa dalawang sumunod sa Kanya pagkarinig kay Juan. Una Niyang natagpuan ang kapatid Niyang si Simon at sinabi sa Kanya: “Natagpuan namin ang Mesiyas (na kung isasalin ay Pinahiran).” Inihatid Niya Siya kay Jesus. Tinitigan Siya ni Jesus at sinabi nito: “Ikaw si Simon na anak ni Juan. Tatawagin kang Kefas (na kung isasalin ay Pedro).”
Pagninilay
Ang pinakamahusay na paraan upang magkaroon ng isang masayang pamilya ay ang pagkakaroon ng oras kasama sila, at pagbabahagi at pakikinig sa isa’t isa. Ngunit ang mga modernong gadget o gamit ay ginawang mahirap ito para sa atin sapagkat kinakain nito ang ating oras at interes. Sa kabilang banda, ang modernong teknolohiya ay nakatutulong upang magkaroon ng komunikasyon ang mga pamilya at mga magkakaibigan na pinaglayo ng distansya at lugar. Kasabay ng napakaraming uri ng pagsasaya o pag-aaliw na inaalok ang lipunan, ang panahon kasama ang mga miyembro ng ating pamilya at komunidad ay napapabayaan. Nahaharap tayo sa hamon kung saan nararapat nating unahin ang ating pamilya at higit sa lahat ang Panginoon. Ang makasama ang Panginoon sa pagiisa at pananalangin ay umaapaw din patungo sa ating pamilya at mga kaibigan, dinadala natin sila sa Panginoon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020