Ebanghelyo: Juan 1:29-34
Kinabukasan, nakita Niya si Jesus na papalapit saKanya kaya sinabi Niya: “Hayan ang Kordero ng Diyos, saKanya napapawi ang sala ng mundo. Ito ang tinutukoy ko nang sinabi kong ‘Isang lalaki and kasunod kongdumarating, nauna na Siya sa akin pagkat bago ako’y Siya na.’ Wala nga akong alam sa Kanya pero upang mahayagSiya sa Israel ang dahilan kaya dumating akong nagbibinyag sa tubig.” At nagpatunay si Juan sa pagsasabing “Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa langit gaya ng isang kalapati, at namalagi sa Kanya. Wala nga akong alam sa Kanya pero ang nagpadala sa akin na magbinyag sa tubig ang Siya ring nagsabi sa akin: ‘Kung kanino mo makitang bumababa ang Espiritu at namamalagi sa Kanya, ito ang magbibinyag sa Espiritu Santo!” Nakita ko at pinatutunayan ko na Siya nga ang hinirang ng Diyos.”
Pagninilay
“To see is to believe”. Ito ay madalas sabihin ng mga taong nagnanais ng mga patunay upang kumpirmahin ang isang katotohanan o kaganapan. Nakita ni Juan Bautista si Jesus bilang Kordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanlibutan. Ang kanyang relasyon o malapit na ugnayan sa Diyos ay ang nagbukas upang makilala niya si Jesus bilang “pinili ng Diyos.” Bilang mga anak ng Diyos, tinatawag din tayo upang magkaroon ng malapit na ugnayan sa Panginoon. Ang pagtanggap sa Panginoon sa Banal na Komunyon ay maituturing na isang mahalagang sandali kasama Siya. Ang mga panalangin natin ay mga pamamaraan upang higit na palalimin ang ating mabuting ugnayan sa Panginoon. Ito ay higit na napapamalas sa pamamagitan ng mabuting pakikitungo sa aking kapwa, lalo na sa mga nangangailangan at mga taong hindi natin nagugustuhan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020