Ebanghelyo: Juan 1:19-28
Ito ang pagpapatunay ni Juan nang papuntahin sa Kanya ng mga Judio ang ilang mga pari at Levita mulasa Jerusalem para tanungin siya: “Sino ka?” Inako Niya diipinagkaila, inako nga Niyang “Hindi ako ang Kristo.”At tinanong nila siya: “Ano ka kung gayon? Si Elias kaba?” At sinabi Niya: “Hindi.” “Ang Propeta ka ba?” Isinagotnaman Niya: “Hindi.” Kaya sinabi nila sa Kanya: “Sino kaba? Para may maisagot kami sa mga nagpapunta saamin. Ano ba ang masasabi mo tungkol sa ‘yong sarili?”Sumagot Siya gaya ng sinabi ni Propeta Isaias:“Tinig ako ng isang sumisigaw sa disyerto:Tuwirin ang daan ng Panginoon.”May mga pinapunta mula sa mga Pariseo. At tinanong nila siya: “Eh, ba’t ka nagbibinyag kung hindi ikaw ang Kristo, ni si Elias, ni ang Propeta?” Sinagot sila ni Juan: “Satubig ako nagbibinyag ngunit may nakatayo sa pilingninyo na hindi n’yo kilala. Siya ang dumating na kasunod ko pero hindi ako karapat-dapat magkalag ng panali ng Kanyang panyapak.”Sa Betaraba nangyari ang mga ito, sa kabilang-ibayong Jordan na pinagbibinyagan ni Juan.
Pagninilay
Ang paraan ng pagtugon niJuan Bautista sa mga Judiona nagtanong tungkol sa kanyangpagkatao ay isang magandang halimbawa kung paano dapattayo makipag-ugnayan sa isa’t isa. Ang kanyang mga sagot ay tapatat diretso sa punto. Makikita natin kay Juan Bautista kung paano angmaging totoong saksi ni Jesus, na nangangahulugan na makilala natin ang ating sarili, at dalhin ang ibang tao patungo kay Jesus. Batid niya na hindi siya ang Mesiyas ni ang Propeta. Sa pamamagitan ng ating binyag, tayo ay naging mga anak ng Diyos at mayroon din tayong pananagutan na magpatotoo sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa. Ito ay isang kagyat na gawain sa ating kasalukuyang mundo kung saan maraming tao ang higit na naaakit sa mga makamundong bagay, nakakalimutan na nila ang turo ng ebanghelyo.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020