Ebanghelyo: Lucas 2:16-21
Kaya nagmamadali silang pumunta at natagpuan nila si Maria at si Jose at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Pagkakita rito, pinatotohanan nila ang pahayag na binigkas sa kanila tungkol sa batang ito. Na angha rin ang mga nakarinig sa mga sinasabi ng pastol sa kanila. Iningatan naman ni Maria ang mga ito at pinagnilaynilay sa Kanyang puso. Umuwi ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil nakita nila ang lahat ng kanilang narinig ayon sa ipinasabi sa kanila. Pagsapit ng ikawalong araw, kailangan nang tuliin ang bata; noon Siya pinangalanang Jesus, ang itinawag sa Kanya ng anghel bago pa Siya ipinaglihi.
Pagninilay
Isang payak na eksena ang inilarawan sa ebanghelyo – ang sanggol na si Jesus na nakahiga sa sabsaban, habang ang mga pastol ay nagbibigay ng kaluwalhatian at papuri sa Diyos. Napakalaking kaibahan sa panahon natin ngayon kung saan ang mga bata ay itinuturing na pananagutan sa halip na isang biyaya. Pinapayagan ng maraming mga bansa ang abortion o ang pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan. Si Santa Teresa ng Calcutta ay tinawag ito bilang “pinakamabigat na krimen ng ating panahon.” “Ang mga bata ay mga pagpapala,” wika ni Papa Francisco. Ang mga bata ang ating kinabukasan. Sa aking pagtanda kasama ang sampu ng aking mga kapatid ay maituturing ko bilang isang kasiya-siya at hindi ko malilimutang karanasan, at mas higit na mahalaga pa ngayong kami ay nasa hustong mga gulang na. Nagkaroon man ng mga pag-aaway at hindi pagkakaunawaan ngunit mas maraming masasayang karanasan mula roon. Nawa’y maprotektahan, mapangalagaan at mapalalakas ng ating pamahalaan ang kapakanan ng mga bata. Inang Maria, ipinagkatiwala nain sa iyo ang hindi pa isinilang at lahat ng mga inabandonang mga bata.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020