Ebanghelyo: Mateo 11:11-15
Talagang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng Langit. Mula sa panahon ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Langit ay kailangang agawin, at ang mga buo ang loob ang umaagaw nito. Pagpopropesiya nga lamang ang panahon ng Mga Propeta at ng Batas hanggang kay Juan. At kung gusto ninyo itong tanggapin, si Juan ang Elias na darating. Makinig ang may tainga.
Pagninilay
Makapangyarihan ang mensahe ni propeta Isaias, na hindi tayo pababayaan ng Diyos. Siya lamang ang makapapawi sa matindi nating pagkauhaw at pananabik para sa isang buhay na maginhawa. Ipinapangako niya na gagawing mayabong ang disyerto’t ilalabas ang bukal ng tubig; tulad ng dugo at tubig na dumaloy sa katawan ni Jesus habang nakabayubay sa krus. Tinatawag din tayo na magkaisa kay Kristo sa pamamagitan ng tubig ng ating Pagbinyag at ng tubig na dumaloy mula sa Kanyang tagiliran gaya ng bukal sa disyerto. Huwag tayong uminom ng tubig na walang kabuluhan, sa halip ay hanapin natin ang tubig ng bukal ng buhay. Hindi tayo pababayaan ng Panginoon
© Copyright Pang Araw-Araw 2020