Ebanghelyo: Mateo 11:28-30
Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. Sapagkat mahusay ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.”
Pagninilay
Ginugunita naman natin sa araw na ito ang isang santong katutubo na si Juan Diego na ayon sa ating tradisyong Katolika’y nagpakita ang Mahal na Birhen ng Guadalupe sa Tepeyac, Mexico taong 1531. Mahalaga ang milagrong ito dahil pinatunayan ng Diyos na ang pananampalataya ay bukas para sa lahat ng sangkatauhan, di lamang sa isang piniling lahi. Magmula noon ay 8 milyong katutubong Amerikano ang sumampalataya sa Simbahang Katoliko sa loob lamang ng 7 taon, katumbas ng bilang na 3000 sa isang araw. Ito’y isang bagong Pentekostes sa pamamagitan ni Maria, ang Birheng Morenita mula noon hanggang ngayon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020