Pagkagising ang apuhap ko’y ikaw
At ang amoy mo kagabi
Pagbiling gagap ko ang iyong kamay
At sisiksik sa yong tabi
Di ka kusang inibig
Di sadyang mahalin ka
Di lamang maipahiwatig
Ang pag-aming mahal kita
Lalakad tayo hanggang sa dumilim
Balabal ko ang yong mata
Tila ang lahat ng gustuhin
Nagpapaubayang talaga
Di ka kusang inibig
Di sadyang mahalin ka
Di ko lang lubos-maisip
Kung kailan nag-umpisa
Naaalala mo pa ba ang pagsasama
Huwag mong sabihing nag-iba
Hindi naman kailangan pang maging pilit
Maliban kung naging pait
Lumipas na noo’y tamis
Di ka kusang inibig
Di sadyang mahalin ka
At aking tuwa ay labis
Ako’t ika’y naging isa
by: Abraham dela Torre