Ebanghelyo: Mateo 24:42-51
Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw ng pagdating ng inyong Panginoon. Isipin ninyo ito: kung alam ng mayari ng bahay kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, magbabantay siya at hindi niya pababayaang pasukin ang bahay. Kaya maging handa kayo sapagkat sa oras na hindi ninyo inaasahan darating ang Anak ng Tao. Isipin ninyo ito: may tapat at matalinong katulong at sa kanya ipinagkatiwala ng kanyang amo ang sambahayan nito para bigyan sila ng pagkain sa tamang oras. Kung sa pagdating ng kanyang amo ay matagpuan siya nitong tumutupad sa kanyang tungkulin, mapalad ang katulong na ito. Talagang sinasabi ko sa inyo na ipagkakatiwala sa kanya ng amo ang lahat nitong pagaari. Sa halip ay nagiisip naman ang masamang katulong: ‘Magtatagal ang aking panginoon.’ Kayat sini mulan niyang pagmalupitan ang mga katulong na kasama niya samantalang nakikipagkainan at nakiki paginumang ka sama ng mga lasing. Ngunit darating ang panginoon ng katulong na iyon sa oras na di niya inaasahan at sa panahong di niya alam. Paaalisin niya ang katulong na ito at pakikitunguhang gaya ng mga mapagkunwari. Doon nga may iyakan at pagngangalit ng ngipin.
Pagninilay
Magbantay at gumising! Tulad sa magnanakaw, hindi natin batid ang pagdating ng panahon sa ating pagharap sa Diyos. Nagbabala si Jesus na tayo’y maging mapagmatiyag. Mayroong kasabihang, “sa paglapit ng kamatayan, saka pa lamang makikita ang ganda ng buhay.” Gayunpaman, hindi natin malalaman kung kailan ito darating. Walang ibang araw ng paghahanda kundi ngayon mismo! Ang bawat araw na ibinigay habang nakakagising pa ay isang bagong pagkakataon sa pagtugon sa tawag ng Panginoon tungo sa kabutihan at kabanalan. Huwag nating pa lipasin ang bawat araw na masayang lamang sa pagkakasala at mapalayo sa Diyos at kapwa. Ang bawat pagkakataon na ibi nigay ng Diyos ay isang biyaya. Samakatuwid, nararapat na magpasalamat sa Panginoon sa bawat panibagong pagkakataong ating natatanggap mula sa kanya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023