Ebanghelyo: Mateo 16:13-20
Pumunta noon si Jesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga ala gad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” Sumagot sila: “May nagsasa bing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga propeta kaya.” Sinabi niya sa kanila: “Ngunit sino ako para sa inyo?” At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” Sumagot naman si Jesus: “Mapalad ka, Simon BarYona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit. At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro (o Bato) at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hindinghindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kama tayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang ka lagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.” At inutusan niya ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya nga ang Mesiyas.
Pagninilay
Sa aklat ni Propeta Isaias, sinabi kung paano ipagkakatiwala ang susi ng bahay ni David papunta kay Eliakim na siyang magdadala sa tahanan ni David, ang mga tao ng Israel sa tahanan ni Juda. Ganito rin ang ginawa ni Jesus kay Pedro na kanyang tinawag bilang “ang bato kung saan itatayo ang kanyang Simbahan.” Ipinagkatiwala ni Jesus kay Pedro ang susi ng pintuan sa Kaharian ng Diyos. Kaya ang Simbahan ay nagpapatuloy sa pagdadala ng kapangyarihang ipinagkatiwala sa mga obispong pinamumunuan ng Santo Papa, na sumusunod sa hanay ni Pedro. Ang susi ng kapangyarihan ay ipinagkakatiwala din sa obispo patungo sa kuraparoko na dumurugtong sa kanyang tungkulin bilang tagapagbantay. Ang mga pagbasa ngayon ay mga paalala sa halaga ng kapangyarihanng ipinagkaloob ni Kristo sa mga namumuno sa Simbahan para sa misyon ng kaligtasan ng kaluluwa. Ito’y naibabahagi sa bawat binyagan sa pagpatong sa kamay ng pari at pagpahid sa Krisma kung saan tayo’y nakikiisa sa pagkahari, pagkapari, at pagkapropeta. Tayong mga binyagan ay pinagkatiwalaan ding magalaga sa Simbahang itinayo ng Diyos sa ibabaw ng mga apostoles. Ang bawat binyagan ay kabahagi sa paglalahad ng mga katotohanan tungkol sa pananampalataya at moralidad. Ito’y ating ipinapahayag sa ibaibang bokasyon at biyayang natatanggap. Huwag nating kalimutan na tayo ang pinagkakatiwalaang Simbahan. Ang Simbahan ay sa Diyos. Mayroon tayong tungkulin sa Panginoong nagtitiwala sa atin sa biyaya ng Simbahan. Ang ating misyon ay ang pagpapalago nito sa pamamagitan ng ating pagsaksi sa salita at gawa. Ang lahat ng sa Diyos at babalik sa Diyos sa tamang panahon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023