Ebanghelyo: Lucas 1:39-56
Nang mga araw ring iyo’y nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako’t naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinabi sa kanya ng Panginoon.”
At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang abang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalaala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.
Pagninilay
The Book of Revelation does not directly speaks of the Ascension of Mary, yet the image presented by the author describes her glorious state: “…isang babaeng nadaramtan ng araw; nasa ilalim ng kanyang mga paa ang buwan, at korona naman sa kanyang ulo ang labindalawang bituin.” The text also does not mention the name of Mary, yet it made reference to the wish of King Herod to kill the innocent Savior. Then the text moves to describe that the one who is to be born is the Messiah: “Isang lalaki ang ipinanganak niya, na siyang magpapastol sa lahat ng bansa…” The text presents Mary as integral part of God’s triumphal act. In the Ascension of Mary we celebrate the triumphant and salvific act of God over evil and sin. The gospel likewise presents to us the most beautiful song of God’s triumphant act of salvation. Mary entones joyfully the Magnificat; a prophetic song that speaks of God’s favor and God’s doing great things for the weak, the suffering, the lowly, the abandoned… Isinalaysay ng Magnificat ang kamangha-manghang gawain ng Diyos sa kasaysayan ng tao; pinatunayan nito na ang pag-ibig ng Diyos ay hindi maiiwasan: “Patuloy an kanyang awa sa mga sali’t salinlahi…” Hindi sinabi sa mga Ebanghelyo ang Pag-akyat ni Maria; ngunit isinasalaysay ng Magnificat ang “pag-akyat ni Maria” mula sa kanyang abang kalagayan patungo bilang isang tinatangi at pinagpala. Ngayong kapistahan ay ipinagdiriwang din natin ang ating pag-asa na maiaangat tayo mula sa ating abang kalagayan patungo sa pagiging isang mapalad. Si Pablo, sa ikalawang pagbasa, ay nagpapatunay na sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus ay bumangon tayo mula sa kamatayan (Adan) patungo sa pagkabuhay (Kristo)
© Copyright Pang Araw-Araw 2021