Ebanghelyo: Marcos 16:15-20
At sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. Malilig tas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at di sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.”
Matapos silang kausapin ng Panginoong Jesus, iniakyat siya sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila.
Pagninilay
Ang gawang pagpapahayag ng Mabuting Balita ay hindi lamang para sa sangkatauhan. Ito ay para sa lahat ng nilikha ng Diyos. Ang gawang ito ay nangangahulugan ng ating tungkuling pagmalasakitan at alagaan ang sangnilikha. Inilat hala ni Papa Francisco ang Laudato Si na nagpapaalala sa atin na alagaan ang mundo na tahanan ng lahat. Mahalaga ang lahat sapagkat likha ito ng Diyos at larawan din ng kanyang pagiging mapagbigay at mapagmahal. Kung kaya’t hindi lamang sa salita ang pag papahayag ng Mabuting Balita kundi sa isang aktibong pagkilos upang maibalik sa da ting kalagayan sa grasya ng Diyos ang lahat ng sangnilikha at mapakinabangan ayon sa layunin nito na pagbibigay ng tahanan at benepisyo para sa lahat.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023