Ebanghelyo: Mateo 28:8-15
Agad nilang iniwan ang libingan na natatakot at labis na nagagalak, at tumakbo sila para balitaan ang kanyang mga alagad.
Nakasalubong nila sa daan si Jesus at sinabi niya: “Kapaya paan.” Paglapit sa kanya ng mga babae, niya kap nila ang kanyang mga paa at sinamba siya. Sinabi naman ni Jesus sa kanila: “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at sabihin sa aking mga kapatid na pu munta sila sa Galilea; doon nila ako makikita.”
Samantalang pabalik ang mga babae, nagbalik naman sa lunsod ang ilang mga bantay at ibinalita sa mga punong-pari ang lahat ng nangyari. Nakipag-usap naman ang mga ito sa mga Matatanda ng bayan kaya kumuha sila ng sapat na halaga at ibinigay sa mga sundalo, at tinagubilinan silang “Sabihin ninyong duma ting nang gabi ang kanyang mga alagad at ninakaw ang katawan habang natutulog kayo. Kung mabalitaan ito ng gobernador, kami ang bahala sa kanya at hindi kayo magkakaproblema.” Tinanggap ng mga sundalo ang pera at ginawa ang itinuro sa kanila; at laganap pa hanggang ngayon ang kuwentong ito sa mga Judio.
Pagninilay
Dahil nasaksihan ng mga alagad ang pagdakip kay Jesus, naba-litaa’t napag-usapan ang paglapastangan at pagpapasakit sa kanya at malamang ay napagmas-dan din mula sa malayo ang pagka-bayubay at pagkamatay Niya sa Krus, madali silang nawalan ng pag-asa na may magliligtas sa kanila. Subalit nagsalita si Pedro bilang pinuno nila at nagbigay liwanag ang kanyang pananalita tungkol sa Muling Pagka-buhay ni Jesus. Inungkat niya ang Lumang Tipan upang maunawaan ng kanyang mga kasamahan na ang pahayag ni David ay nagkaroon ng kaganapan kay Jesus. “Hindi mo ako pinabayaan sa lugar ng mga patay at hindi ipinahintulot na dumanas ng pagkabulok ang Iyong Banal.”
Kahit nagpangalat ng maling balita ang mga hindi naniniwala sa Muling Pagkabuhay, tayo ngayon ang saksi na tunay ngang buhay si Jesus sa ating kapaligiran. Ilang libong taon na ang lumipas at patu-loy pa rin ang salin-lahing naka-ka ra nas ng nagpapapanibagong paggalaw ni Jesus sa mga sumasam-palataya sa kanya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022