Ebanghelyo: Mateo 15:29-37
Umalis doon si Jesus at pumunta sa pampang ng lawa ng Galilea, at pagka akyat sa burol ay naupo. Mara ming tao ang lumapit sa kanya, dala-dala ang mga pipi, bulag, pilay, mga may kapansanan, at mga taong may iba’t ibang karamdaman. Inilagay sila ng mga tao sa pa a nan ni Jesus, at pinagaling niya sila. Ka ya namangha ang lahat nang makita nilang nagsa sa lita ang mga pipi, lumalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga may kapansanan at nakakakita ang mga bulag; kaya pinuri nila ang Diyos ng Israel. Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. Ayaw kong paalisin silang gutom at baka mahilo sila sa daan.” Sinabi ng mga alagad sa kan ya: “At saan naman tayo haha nap ng sapat na tinapay sa ilang na ito para ipa kain sa mga taong iyan?” Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito, at kaunting maliliit na isda.” Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao, kinuha niya ang pitong tinapay at ang maliliit na isda, at nag pasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga ito at ibi nigay sa kanyang mga alagad, at ibi nigay rin nila sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog at inipon ang mga natirang pira-piraso – pitong punong bayong.
Pagninilay
Paano magiging malusog ang katawan kung walang sapat na pagkain? Si Jesus ay tumitingin hindi lamang sa mga karamdaman ng katawan, pati maging sa pangangailangan ng tao tulad ng pagkain. Kaya naman, hindi Siya pumayag na pauwiin ang mga taong hindi pa nakakakain. Ang pangyaya ring ito sa Ebanghelyo ay nagpapakita na hindi lamang ang katawan nang tao ang maaa ring magkasakit. Mayroon ding mga sakit sa lipunan na nangangailangang gamutin tulad sa kagutuman at pagdurusa ng mga dukha. Mula sa pagpapakain ni Jesus sa maraming tao mula sa pitong piraso ng isda at iilang tinapay, pinamalas nito na sa pagbibigayan at pag babahagi, marami man o hindi, ito’y makakatulong na gamutin ang sakit ng pamayanan. Kung ang lahat ay marunong magbahagi, walang magugutom. Ang biyaya ng Panginoon ay kailanman di magkukulang.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023