Ebanghelyo: Lucas 21:34-36
Mag-ingat kayo’t baka bumigat ang in yong mga isip sa mga bisyo, pag lalasing at mga intindihin sa buhay. At baka bigla kayong datnan ng araw na iyon. Babagsak itong parang bitag sa lahat ng nasa lupa. Kaya lagi kayong magbantay at manalangin para ma ging marapat na makatakas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”
Pagninilay
Iba’t-ibang pagsubok ang kinakaharap natin sa bawat araw ng ating buhay. Mayroong panahon na maganda ang takbo ng araw, may roon din namang panahong nakakaranas tayo ng hirap, lungkot, at pag-aalinlangan. Ngayong huling araw ng liturhiya sa taon, bago magsimula ang panahon ng Adbiyento, ipinapabatid ni Jesus na maging handa at manalangin tuwina upang hindi manlumo sa pagharap sa mga bagay na nakababagabag sa mundo. Sa pananalangin at paghahanda, makakamit natin ang sapat na lakas upang harapin ang mga pagsubok ng buhay. Ang lahat ay mayroong hangganan. Ang ating pana nampalataya sa pangako ng Panginoon ay walang kabiguan. Magtiwala tayo kay Jesus sapagkat kanyang iniligtas ang sanlibutan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023