Ebanghelyo: Lucas 11:37-41
Matapos magsalita si Jesus, inan yaya han siya ng isang Pariseo na kumain sa bahay nito. Pumasok siya at dumulog sa hapag. At nagtaka ang Pariseo nang makitang hindi muna siya naghugas ng kamay bago kumain. Ngu nit sinabi sa kanya ng Panginoon: “Kayong mga Pariseo, ugali ninyong linisin ang labas ng mga baso’t pinggan pero nag-uumapaw naman sa kasa kiman at kasamaan ang inyong loob! Mga hangal! Di ba’t ang maygawa ng labas ang siya ring maygawa ng loob? Pero naglilimos lamang kayo at sa akala ninyo’y malinis na ang lahat.
Pagninilay
Isang araw, nangamba ang pari dahil nasira ang kanyang sasakyan at hindi agad nila makita kung ano ang problema. Sinabi nang mekaniko sa kanya, “Father, huwag kang mangamba, tulad sa katangiang ginawa nang Panginoon, ang lahat ng bagay ay mula sa isipan ng tao. Kaya malulunasan lang yan sa isipan ng tao.” Nabigla ang pari at nasabi sa kanyang sarili, “Tunay talaga! Labas sa kata ngian ng mundo, ang lahat ay nagmumula sa imahinasyon at isipan ng tao.” Ang paggawa nang kabutihan at kasamaan ay galing sa nilalaman nang isipan at puso ng tao. Hindi talaga nagmumula sa labas ang nagpaparumi. Nagmumula ito sa mithiin nang kanyang puso. Nararapat na kilatisin natin ngayon ang ating konsensya (examination of conscience) at magsisi upang linisin ang loob ng ating isipan at puso. Sa pamamaraang ito, magiging malinis ang lalabas na salita at gawa natin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023