Ebanghelyo: Lucas 1:39-56
Nang mga araw ring iyo’y nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako’t naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sina pupunan. Pinagpapala ang naniniwalang maga ganap ang mga sinabi sa kanya ng Panginoon.”
At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang abang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalaala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.”
Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay
Pagninilay
“Dinadakila ng aking kaliliwa ang Panginoon.” Lukas 1:46
Ito ang unang saknong ng Awit ni Maria (Magnificat) na bahagi ng Panalangin sa Pagtatakipsilim. Dina-rasal at inaawit ito ng buong Iglesya Katolika sa buong mundo. Bilang isang mongha, natutunan ko ang dasal na ito mula pa sa unang araw ko sa monasteryo. Ngayon, maka-lipas ang 40 taon, patuloy pa ring pinagyayaman ng Diyos ang awit na ito sa aking puso.
Ang Panalangin sa Pagtatakip-silim (Vespers) ay panalangin ng pamamahinga. Iba ito sa Panalangin bago Matulog (Compline). Matapos ang maghapong pagtratrabaho o pagsisikap sa anumang atas na gawain, magtitipon-tipon ang mga mongha para sa dasal na ito. Wina-wakasan ang panahong nakaukol sa trabaho upang namnamin ang maghapong pakikipagtulungan sa gawaing ipinagkatiwala ng Diyos. Ang mga awit sa Vespers ay angkop sa ganitong pagbabalik-tanaw sa maghapon, hindi bilang pagsusuri o pagtutuos kundi upang tandaan at alalahanin ang naranasang paki-kipag-isa sa Diyos. Isang nakapa-nanariwa at nakakapagpanibagong pagpapahinga sa duyan ng papuri’t pasasalamat sa awa at pagmamahal ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022