Ebanghelyo: Juan 6:44-51
Walang makalalapit sa akin kung hindi siya aakitin ng Amang nagpadala sa akin. At itatayo ko siya sa huling araw. Nasusulat sa Mga Propeta: Tuturuan nga silang lahat ng Diyos. Kaya lumalapit sa akin ang bawat nakarinig at tinuruan ng Ama.
Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos; siya ang nakakita sa Diyos. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay magpakailanman ang naniniwala.
Ako siyang tinapay ng buhay. Kumain nga ng manna sa disyerto ang inyong mga ninuno at nangamatay pa rin. Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang makakain nito ang sinuman at di mamatay.
Ako siyang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang laman ko ang tinapay na aking ibibigay alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.
Pagninilay
Sa Unang Pagbasa, nilinaw ni Felipe ang kaisa-isang kun-disyon para matamo ang buhay na walang hanggan: “Kung buong puso kang sumasampalataya, puede kang binyagan.” Gawa 8:37
Katulad ni Felipe, lahat tayo ay katiwala ng ating Panginoon sa paghahatid ng Mabuting Balita. Ang ating mga hangarin, pagkilos, pananalita at mga gawain ay ka-sangkapan ng pamamahagi ng pag-ibig at pagliligtas ng Diyos. Marami ang hindi pa nakakatuklas na may buhay na walang hanggan. Kaya nga lahat ng pagsisikap ng tao ay magpundar nang magpundar para sa kinabukasan; isang kinabukasan na tiyak na matatapos. Hindi tuloy mapaghandaan ang kinabukasang walang katapusan, ang kinabukasan ng walang hanggang kaginhawa-han, ligaya at kasiyahan.
Ipinahahayag ng Ebanghelyo na si Jesus ang Tinapay ng Buhay. Ang pagkain ay siyang pangunahing pa-ngangailangan ng tao. Ang kawalan ng pagkain ay nakakamatay. Ngunit kung mahalaga ang pagkaing pang-katawan, lalong higit na mahalaga ang pagkaing pangkaluluwa. Ang pagkaing pangkatawan ay nagpa-pahaba ng buhay. Ang pagkaing pangk aluluwa ay nagdudulot at naghahatid sa buhay na walang hanggan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022